CHAPTER 59

974 101 31
                                    

FLASHBACK...

Nagising ako wala parin si Lucas dito sa tree house.

Binuhat ko si Lotus at Lily at pinainom ko sila ng gatas na laging binibigay ni Lucas sa kanila. Naghilamos narin ako at muling naupo sa higaan. Iniisip ko kung ano na ang ginagawa ng kaibigan ko.

Lalabas na sana ako ng makaringig ako ng nagtatalo, hindi kalayuan sa kinatatayuan ng tree house.

Sumilip ako sa maliit na butas sa pinto. Kinabahan ako ng matamaan ng tingin ko si Ama. Kasama niya si Sir Lewford, habang si Lucas ay nakaharang sa hagdan nitong tree house.

Katabi naman ni Sir Lewford ang anak ng mga Del Ruiz.

"Gusto ko lang naman makipagplay sayo Ford e, di naman ako mangugulo diyan sa house mo." Sabi ni Baron, na halatang gustong gustong umakyat dito. "Watch tayo power ranger, diba sabi mo sa'kin may mga movie ka... sabi rin sikin ni Tito Lewford... diba tito?"

"Son, let Baron stay at the tree house..." lumapit si Sir Lewford kay Lucas na inihaharang ang sarili sa bungad ng hagdan. Kita ko naman si Ama na nakatingin kay Lucas, gang mapasulyap ito sa pinto ng tree house. Nakaramdam ako ng kaba kahi talam kong di niya ako nakikita.

"Ayoko Daddy, marami akong important things sa loob, you know Baron he is makulit." Pagrarason ni Lucas.

"I will not do again na Lucas, diba nag sorry na ako ... diba Tito?"

"Tsaka ayoko siya dito sa Farm Daddy, sinisira niya mga halaman at puno tapos yung ginawa niya noon sa mga goat... ayoko siya dito Daddy."

"Huwag ka nga ganyan kay Baron Leefoord, Mr Del Ruiz is a good friend of our family, long time business partner with your Lolo." Hindi ko nakikita na pinapagalitan niya si Lucas pero sa tono ni Sir Lewford ay seryoso siya.

"Pare hayaan mo na si Leeford, alam mo naman yung anak mo... scientist yan." Nakisali na si Tata, lumapit siya kay Sir Lewford. "Maglaro nalang kayo ni Sir Baron dito sa Farm Lee..." sabi ni Ama.

"Hinabilin ni Congressman Lyndon si Baron sa atin son, so don't be harsh with him."

"It's ok lang tito, I will tell nalang Dad... Ford don't want me here in your place."

Nagpatuloy ang pakikipagusap ni Sir Lewford kay Lucas. Hindi naman naglaon sumuko ang kaibigan ko, kita ko na silang papalayo magkasama ni Baron.

Nakaramdam ako ng lungkot habang tinitignan sila, sinisilip mula sa mga awang nitong bahay.

Si Baron ang kasama ngayon ni Lucas magpakain sa mga alaga dito sa Farm.

Maghapon ko hinintay si Lucas na tumaas, pero bigo akong makaharap siya ngayon. Huling kita ko sa kanila ay magkasama sila ni Baron na halatang galing sa pagligo sa sapa. Hindi man lang siya sumulyap dito sa tree house.

Pagkatapos sumapit ang gabi, prutas lang ang kinain ko na nakalavgay sa maliit na ref sa loob nitong bahay.

Malungkot nanaman akong nakatulog, habang iniisip kung gaano kasaya si Lucas kasama si Baron. Naglalaro ng power ranger toys.

Kinaumagahan umasa nanaman ako sa pagdating ni Lucas.

Nakaringig ako ng mga yabag sa labas, nabuhayan ako na bumalik na si Lucas dito.

Pero nagkamali ako sa inaasahan kong makikita sa butas ng pinto. Kita ko si Baron na sinisipat tong bahay. Bigla ako napadapa dahil baka masilip niya ako.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now