CHAPTER 36

1.2K 122 45
                                    

•••
Silver

Ilang araw na ang lumulipas simula ng di magparamdam si Mendez. Hindi na siya nagrereport sakin sa mga nangyayari tulad ng dati.

Mukhang kinakalaban na ata ako ng traydor na 'yon. Subukan niya lang talaga.

Paulit ulit ko siyang tinatawagan ngayon, pero kinakansela niya ang mga tawag ko.

At ang malala pa, blinock niya ang number ko ngayon.

"Buysit!" asik ko sa harapan ng salamin ng banyo.

Wala akong balita sa mga nakaraang araw kay Leeford, dahil umaasa ako sa impormasyon na binibigay sakin ni Mendez.

Inis komg binuksan amg gripo at padabog na hinilamusan ang mukha ko na natuyuan na ng laway ng walang hiyang bakla.

Bumukas naman ang pinto ng banyo, at isinuka ang nakangiting si Carlito.

"Ano, hindi na nagparamdam?" natatawang tanong niya, tila minamaliit ang kakayanan kong kontrolin si Mendez. "Jusko kooo!" pasigaw na sabi niya lumapit sakin at nilamutak ang dibdib ko gamit ang mga kamay na may mahahabang kuko.

"Ganun na nga"

"Sabe ko na nga ba!" inis na umalis at naglagay ng kung anong cream sa kanyang mukha na nakalagay sa cabinet sa loob ng banyo. "Mukhang palpak ang plano mo Rusty, hindi ko gusto ang mga nangyayari"

"Huwag mo akong pinangungunahan" inis na sabi ko. Humarap ako sa bowl at nagpalabas ng bigat.

"Magpahinga ka na muna, di ko na gusto ang itsura mo" nagpindig ang tenga ko sa naringig ko sa kanya. "Masyado ka na atang nalilibang sa paglamon, tignan mo yang katawan mo... wala na akong nakikitang kakisigan!"

Humarap siya sa akin na punong puno na ng cream ang mukha, napatingin siya sa ari kong naglalabas ng ihi mula sa aking katawan.

"Baka sa susunod, pati yang tite mo lumiit na at kainin na ng bilbil mo"

Inis ko siyang sinugod at binantaan ng sakal.

"Ikaw, wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan. Katawan ko to" diniinan ko pa ang pagkakasakal sa kanya. Pumapalag naman siya. "Pagkatapos mong pagsawasawaan gaganyanin mo?!"

Inis kong binitawan siya tumama siya sa may kanto ng lababo.

"Arghhhhh! Sinasaktan mo narin ako ngayon! Ano umaayaw kana sa plano, ano inaayawan mo na ako?! Hahahaha" ang demonyo ng pagkakatawa niya. "E di lumayas ka!"

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now