CHAPTER 71

804 85 20
                                    

LUNES (November 28, 2016)

••••
Silver

Maraming nangyari kahapon, mga sikretong nabunyag. Mga panirang alok sa aking katinuan, mga damdaming gustong pabaguhin ang isip ko.

Pero matatag ang loob kong ituloy ang plano.

"Sa lumang Sport Bar Complex natin gagawin ang plano tulad ng napagusapan namin nila Cazi." Pagmamando ni Yuri sa aking harapan.

"Bakit sa complex?" tanong ko. "Ang usapan namin, sa lumang pabrika," tumayo ako at tinuro sa mapang nakalagay sa pader ang tinutukoy ko.

Sa lugar kung saan pinatay ni Lucas ang pagkatao ko, dun ko sila gustong gutay gutayin.

"Masyadong maraming bantay sa area," tumingin pa si Yuri kay Cazi bago binalik ang sulyap sa akin. "Sa Sport Bar complex, Malaki ang lugar at may mga taas." Yung tingin ni Yuri parang isang matalinong iniinsulto ako.

"Ayoko—"

"At isa pa, naplano na namin ang gagawin sa lugar para masigurong walang ni isang security ang makakarating" di ako nito pinapatapos sa sinasabi ko. "Sa bawat quarter ng mga Arca Security, may gagawing minimal na gulo ang iba nating tao para dun mafocus ang mga nagbabantay."

"Mahusay Yuri, may chupa ka sa akin mamaya, na shobrang sherep." Sabay kindat ni Cazi sa lalaki na nginisian lang siya. Bumaling naman ito sa akin, "Makinig ka nalang Rusty sa sinasabi ni Yuri, dahil para naman sa atin yan, nagiging maingat nalang din ako ngayon, dahil ayoko ng madamay ang ganda ko sa lahat ng gagawin niyong krimen."

"Pinagsasabi mo?"

"Malalaman mo rin." Pagmamaldita ng bakla sa akin.

Hindi ko alam pero ang pinepresinta nilang plano sa akin ay ang napag usapan nila noon ng kasama nila ang misteryosong lalaki.

Duda ako sa mga inpormasyon na binabanggit nila sa akin. Tsaka ba't ang batang Hernandez, parang wala na siyang interes. Pero hindi, may iba talaga silang gustong gawin.

"May mga ibang taong binigay sa amin si Gov," nagtako aka sa binaggit niyang pangalan. "Nandiyan sila sa labas, sila ang tutulong sa inyo." At may iba pang mga bat ana ipapakalat sa lugar."

"Hindi ko kaylangan ng tulong nila!" sigaw ko naman. "Kaya ko na ito, kasama si Wax at Harlon."

"Duda ako, mahihina kayo." Pang iinis pa ni Yuri sa akin.

"Anong sabi mo!"

"Huwag kang mag alala Rusty, backup lang naman sila. Ikaw parin ang masusunod sa sarili mong laro." Paglilinaw niya.

Maya maya ay may mga larawan siyang dinikit sa pader. Anim na larawan ng mga lalaki. Kung titignan ng maige ay halatang walang gagawing mabuti sa kapawa ang mga itsura nila.

"Jonas Ragsay," sabay turo niya sa unang larawan. "Lider ng isang gang sa tondo, bata palang yan pero hindi na bababa sa bente ang napatay niya. Malakas sa lugar nila, magaling humawak ng pana espesyal na ginawa niya mula sa mga lumang payong."

May plano nga talaga sila.

"Sino ang tinutukoy niyong Gov!" muli kong tinaasan ng boses si yuri. Nahinto lang ng bahagya si Yuri, pero tinuloy niya ang pagsasalita.

"Edgar Sobelo," pagpapatuloy niya lang. "Anak ng isang mangingisda, magaling lumangoy, most wanted serial killer sa Mexico Pampangga." Natulala ko sa sinabi niya. "Siya ang matagal ng pinaghahanap ng mga pulis, mga binibiktima niya ay mga babae sa isla, asawa ng kapwa niya mangingisda. Pagkatapos gahasain ay chinchop chop nitong ang katawan at kwento niya pa sa amin, kinakain niya pa ang ibang parte."

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now