CHAPTER 68

903 86 11
                                    

••••
Silver


Iba ang nararamdaman ko nagiging sa paguusap ni Carlito sa isang misteryosong bisita niya. Hindi ko mapigilan maging iritable, nagtatago sa akin ang hayop ng ibang plano niya. Hindi ko maintindihan, pero bakit hindi ako maaring makisama sa kung ano man ang nangyayari sa loob.

"Boss, sino kaya yang kausap niyang jowa mo?" tanong sa akin ni Wax na dumikit pa sa akin. Inambahan ko ito ng pagsiko, dahil sa sinabi niya. Natawa naman siya. "Seselos ka noh Boss?" sabay silang nagsihagalpakan ni Harlon.

"Tigilan niyo akong dalawa. Hindi ako natutuwa. Walang nakakatawa." Ininsan ko sila ng tingin. Tila nagsisihan naman itong nagbubunguan. "Lagi akong wala dito, kayong dalawa ang madalas maiwan," tinitigan ko sila. "Tapos wala man lang kayong masabi sa akin?"

Nagtitigan silang dalawa, tila may mga tinatagong lihim sa akin.

"Pagkatapos ko kayong tulungan para gantihan si Brenth, tapos parang yung katapatan niyo wala na sa akin ah." Lumapit ako sa pinto at sinimulan kong sipain 'yon.

"Boss naman, di nga rin kame makalapit kay Cazi kase lageng nakasunod sa kanaya yung... lalaking bago niyang kasama lage." Pagsusumbong sa akin ni Wax.

Pinakilala ni Cazi ang lalaking yun na nakasama niya raw sa may detention center ng nanatili pa siya sa lugar na iyon. Parang nagiging dating utusan nalang ako dito, tapos yung lalaking yun na ang lage niyang kasama tuwing lumalabas siya.

May oras din na tila hindi na niya ako hinahanap sa gabi. Gusto ko ang pananahimik niya sa paggalaw sa akin. Pero sa kabilang banda, masama tong nangyayari. Bago man niya ako tuluyang bitawan, kaylangan ko ng magawa ang mga plano ko.

"Tsaka boss alam mo ba, mukhang kakilala niyang mga bisita ni Cazi yang si Yuri." Si Harlon na tila sumisipat sa may awang ng pinto.

"Yuri pala ang pangalan ng lalaking yan." Sabi ko sa aking sarili. May pinaplano sila na hindi ako kasama, paano tong nangyayari! Sumipa ulit ako sa pinto at pinindot pinto ko ang intercom na nakakabit sa pintuan ng malaking silid kung nasaan ang munting Bar nitong bahay ni Zipalta.

Lima silang nasa loob, yung tatlong lalaking dumating na hindi ko masyadong makita ang pagkakakilanlan dahil sa sobrang balot ang mga pagmumukha pagmumukha. Facemask at nakashade. Kasama rin ni Cazi ang Yuri na 'yon. Na imbis ako ang nasa loob, mas may alam ako sa plano ni Zipalta pero bakit ako ang wala.

Bakit mukhang naiitchapwera na ang posiyon ko sa paghihiganting ito.

Sisipa pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto. Bumungad ang lalaking tila nakagwardiya sa harap ng pinto. Ang tinatawag nitong mga 'tong si Yuri. Masama ng pagkakatitig niya sa akin, at tinataasan pa niya ako ng kilay.

"Maghintay ka lang daw sabi ni Cazi, huwag kang magulo dahil may pinaguusapan sila ng bisita niya." Mayabang na pagsisita niya sa akin.

Hindi ko na natiis pa ang galit ko, aambahan ko na siya ng sapak ng pigilan ako ng dalawang nasa likod ko.

"Rusty..." banggit niya sa pangalan ko sabay ngisi.

"Bunganga mo! Huwag mo binabanggit pangalan ko!" sigaw ko sa kanya. "Bitawan niyo nga ako Wax!" pagpiglas ko sa dalawang nakahawak sa akin.

Sa pagkabitaw ko sa paghawak ng dalawa sa akin ay ang biglang pagsara ulit ng pintuan. Pinagsisipa ko yun, halos masira ko rin ang nakakabit na intercom sa may pinto sa bawat pagdampi ng kamao ko.

"Boss kalma kalang Boss," pagawat sa akin ni Wax.

"Tarantado ka Zipalta, tandan mo huwag na huwag mo akong sasaksakin patalikod!" sigaw ko sa may intercom!

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛حيث تعيش القصص. اكتشف الآن