CHAPTER 79

777 76 21
                                    

DWIFE POV

Nagmistula akong ekstra sa isang mahalagang pagkikita. Inilugar ko nalang ang sarili ko sa gilid nitong silid. Wala akong alam sa pagkakaibigang nabuo sa bawat isa sa kanila. Hindi ko talaga alam na may ganitong nakaraan si Kuya, kasama ang mga taong 'to.

Akala ko katapusan ko na kanina, salamat din sa mga 'yon at nakatakas kame ni Ganny sa dalawang armado kanina. Mga puno rin ng sugat ang mga mukha nila, hindi ko alam kung anong pinagdaanan nila bago makapunta rito sa taas.

Pero na ooout of place ako tuwing nagkekwentuhan sila ng mga nakasagupa nila sa baba. Hangang muli nga kameng makarating sa kinatatayuan ni Kuya Leeford.

Yung mukha ni Kuya, kinakabahan ako para sa kanya. Puro yun dugo at sugat. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay nasa panig na niya si Rusty, tila masaya pa nga ang isa habang tinitignan ang kapatid ko.

Marami akong hindi alam, masyado kong minaliit ang sitwasyon. Akala ko makakatulong ako, pero naging pabigat lang ako.

Napatingin nalang ulit ako ng makitang nagsisimula ng magharap ulit ang dalawang panig. Hindi ko talaga alam kung saan ako pepwesto.

Sa isang banda nakikita ko yung may sugat sa kamay, nakasuot ng kahel na diyaket. Kaharap niya ang isang lalaking may patalim sa sapatos nito.

"Paano mo ako lalabanan kung di mo magawang ikilos ang mga kamay na 'yan?" pagmamayabang ng isang 'yon.

"Ano bang tingin mo sa kamay ko, weak?" sagot naman neto. "May sugat lang 'to, pero hindi baldado." Dagdag pa niya. "Pinagmamalaki mo yang kutsilyo mo sa paa?" tanong pa sa kaharap. "Edi sugod."

Andaming nangyayari sa loob.

Pero sa nakikita ko ay lamang ang grupo nila Kuya. Namamangha ako 'don sa kapatid ni Dennis, may kasama siyang isa habang nilalabanan ang isang lalaki na may mga hawak na hiringilya. Yung maingay naman na si Whiterou kasama si Miggy, lumalaban sila dun sa dalawang tao, isa may hawak na razor wire na pinaghahampas at ang isa ay may hawak na lambat.

Yung mag kambal naman ay kaharap yung kaninang nagsasalita sa kabilang panig, ang may hawak ng control ng kakaibang baril.

Habang si Kuya, Rusty at Ganny naman ay hinaharap ngayon ang grupo na hindi ko alam kung saan nanggaling.

Napunta naman ang tingin ko kay Zipalta na nakamasid lang sa nangyayari, bigla nitong kinuha ang telepono sa bulsa ng suot niyang palda. Pumindot ng bahagya at sa tingin ko ay may kausap na siya ngayon sa kabilang linya.

Malaki ang kutob ko na, ang kausap niya ngayon ay may alam kung nasaan ang dalawang bata.

Palihim nga itong naglakad at susubukang tumakas! Agad ko siyang inunahan sa may pinto. Hinarang ko ang sarili ko.

"Gusto mo magpakabayani?" tanong niya sa akin. "Umalis ka nga sa daraanan ko!"

"Walang aalis sa lugar na ito Zipalta," sagot ko sa kanya. "Kayo ang nagsimula ng gulong ito, kaya kasama ka sa pagtatapos." Agad ko siyang nilapitan at pabagsak na sinandal sa pader.

"Kung balak mo akong gahasain, wag naman dito. Dwifey—"

Bigla akong nagulat ng hahalikan niya ako,kay di ako nakapagtimpi atnasapak ko siya.

"Nasaan sila Max!" pagpapaamin ko sa kanya. Nginisian niya lang ako at labas ang dilang, dinilaan ang pasa sa labi niya.

"Anong akala mo sa akin? Hanapan ng nawawalang basura?" kumekendeng kendang ito sa harapan ko, tila walang pakialam sa ginawa ko sa kanya. "Alam mo, kung ako sa'yo tumakas ka narin, may ipapakita ako sa'yo na mas ikagagalak mo."

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now