CHAPTER 82

1K 95 129
                                    

DENNIS

Huling naalala ko, may isang lalaking bumaba sa isang kotse. Nagtanong ng direksyon papuntang PAE. Sumagot ako ng maayos. Nagpasalamat siya, pero may mali sa titig na pinupukol niya sa akin. Hinagkan ko ng mahigpit ang dala kong tupperware at puzzle.

Tumalikod ako para pansamantalang maglakad sa di kalayuang terminal ng tricycle malapit sa TUP-Taguig.

Pero biglang may humatak sa akin. Sobra akong nagulat, pero mabilis niyang natakpan ang bibig ko. Sa muling pagharap ko nakita ko ang lalaking kaninang nagtatanong sa akin. May kasama na siyang dalawang lalaki na hinawakan ako, nahulog ko ang aking mga hawak.

Nagkalat ang mga spaghetti patin narin ang piraso ng mga puzzle.

Sobra akong naguguluhan, wala akong alam sa lalaking nasa harapan. Gusto kong magsalita pero natatakpan ng kamay niya ang bibig ko.

May inilabas siyang patalim. Nahinto ako sa pag-pupumilit na makawala. Tinitigan ko ang matalim na halos kuminang sa dilim.

Nanalangin ako na sana may dumaang sasakyan.

Inililinga ko ang ma mata ko sa paligid. Subalit ni isang jeepney o motor ay walang dumaraan.

Bigla nalang akong nakaramdam ng sakit sa aking tagiliran. Pagtingin ko sa aking harapan isang blankong mukha, ang seryosong nilalaro ang kamay niya habang nakatarak sa akin ang isang kutsilyo.

Nakatakip parin ang isang kamay niya habang ang isa ay patuloy niya pinapaikot ikot sa loob ko. Sobrang sakit gusto kong humiyaw, pero di ko magawa.

Hinugot niya ng ilang beses ang kutsilyo at paulit ulit na sinaksak sa akin. Ngayon nakangiti siya sa akin, habang ginagawa ang unti unting pag katay sa akin.

Nabitawan niya ang takip sa aking bibig ng bigla akong magsuka ng dugo. Wala ng boses ang lumalabas sa bibig ko. Sobrang sakit, mamatay na ako sa kalagayan kong 'to.

Natumba ako.

Bumitaw ang dalawang lalaking nakahawak sa akin.

"Tapusin niyo na." ringig kong utos ng lalaki sa dalawang kasama. "Boss, tawagan mo na." nakita kong naglalakd ang lalaki papalayo sa akin at may kausap siyang isa pang lalaking, nakaanday lang sa kotseng nakatigil.

Di ko na maigalaw ang katawan ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang dalawang may hawak na mahabang bagay.

Sunod sunod na hampas sa ulo ko ang aking naramdaman. Sobrang luha ko na habang hinahampas nila ako, hangang sa magdilim nalang ang lahat.




















May boses akong nariringig, may mga tunog na parang nagmumula sa makina. Madilim parin, pero may kumakausap sa akin. Iginagalaw ko ang mga daliri ko. Yun lang ang nakakaya ko, pero nasaan ako? Sumasakit ang ulo ko habang nag iisip.

Nakakatulog nalang ako bigla.

Isang pagkakataon may nariringig akong nag uusap. Pero sobrang dilim parin. May nag uusap tungkol sa kanilang anak. Hindi ko alam, pamilyar sa akin ang mga boses.

Langit na ba kung nasaan ako?

Hindi ko alam kung gaano katagal ang lumilipas. Nakakatulog ako. Nagigising akong madilim. Gising ang diwa ko, buo ang ala ala ko.

Hanggang isang araw unti unting nawawala ang dilim. Naging malinaw sa akin ngayon ang minsan nariringig ko ng mga boses, at nahihirapan ako tanggapin sa mga nalalaman ko.

Pero malinaw na sa akin na nasa hospital ako.

Pero asan siya?

Sino ba talaga ako?

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ