CHAPTER 57

1K 87 26
                                    

FLASHBACK...

Hindi ako makatingin sa kanya, pagkatapos kong magmakaawa. Nakatayo siya sa harapan ko, tila nagiisip ba kung itutuloy ang banta niya. Gusto kong mainis sa batang 'to, pero mas lalo akong mananagot pag may ginawa ako sa kanyang masama.

"Sinong tatay naman naman ang gagawa 'non sa anak niya, your lying." Habang sinasabi niya 'yon ay nakapamulsa siya at sumisipa sa lupa ng palibot ng garden.

Hindi ko alam ang isasagot, hindi niya naman kilala si Ama kaya paano niya ako mauunawaan.

"Hindi naman ako nagsisinungaling, kayang gawin sakin 'yon ng tatay ko." Nakayukong sabi ko. "Hindi mo naman ako katulad, mayaman kayo— ma... mahirap lang kame..."

"Tss... scriptwriter indeed"

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo."

"Tatay mo si Alandy diba? Ba't ka naman niya papatayin."

Laking gulat ko ng banggitin niya ang pangalan ni Ama! Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit parang andame niyang alam. Paano niya nalaman.

"Paano mo nalaman?!" kabado akong tumingala sa kanya. Habang nakangiwi lang siya sa akin, sabay ngisi ng nakakinis.

"Ngayon lang, when you ask me... kung paano ko nalaman." Natawa siya ng bahagya. "Stupid," muli nanaman niyang pagtawag sakin ng masakit na salita!

Nahulog ako sa bitag ng matabil niyang mga dila! Simula palang plano na niyang malaman, kung tatay ko ang tinuturing niyang tito.

"I saw both of you here, in this spot." Turo niya sa kinatatayuan namin. "Lagi kayong naguusap pasikreto rito sa Garden, then one time I heard you called him tatay."

"Hindi, nagkakamali lang ako hindi ko tatay si Sir Alandy." Patay ako kay Ama pag nalaman niyang may nakakalam na ng munting sikreto namin.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now