CHAPTER 17

1.1K 105 53
                                    

•••
Ganny

⚔️DAYS BEFORE THE CLASH AT THE VIKINGS (DENNIS, LEEFORD & GANNY CONFRONTATION)⚔️

Isa isa kong pinagmasdan ang larawan na pinapakita sakin si Silver.

"Threz, Drew, Dwife, Jona" tinuro niya ang apat na taong nasa larawan, "Mga naging kupido nilang dalawa sa isla" natatandaan ko pa ang mukha nung nagngangalang Threz, pamilyar siya sa akin.

"Anong meron, anong gagawin ko sa mga pagmumukha nila" kumuha ako ng isang piraso ng pudding na nakalagay sa mesa, dito ako sa balkonahe ng mansyon ng kinakasama ni Silver.

Dito namin pinaguusapan ang mga hakbang sa darating na kung ano mang plano.

"Hindi umubra ang ginawa mo sa hospital" pinaalala niya sa akin ang bagay na nagpangiti sakin ng biglaan. Namiss ko ang mga labing 'yon, mga malalambklot na labi, tila isang makopa. "O' baka naman nagbabago na ang isip mo Ganny" hinampas niya ang ang dalawang kamay sa mesa.

Sa tingin ko nagdududa na siya sa kakayanan kong matapos ang misyon, ng hindi nahuhulog ang loob kay Dennis. Tama siya kung yun ang naiisip niya.

"Gagawin ko, ang nasa plano" gamit ang maliit na kutsara ay hinalo ko ang mainit na kape, "Pero hindi sa paraan na gusto mo" medyo makikita mo ang pagkabigo sa mata niya. "Don't get me wrong buddy, ibig ko lang sabihin paiibigin ko si Dennis..sa paraang gusto ko"

"Sinasabi ko na nga ba" umiling iling at bumuga ng pagkadismaya si Rusty, "Ho'h" parang inis na naglabas ng usok sa kanyang bibig. "Galit na dapat ang laman niyang pusong 'yan" nameywang siya habang nakatingin sa hardin na puro cactus ang nakatanim.

"Hindi ba sapat na kay Leeford lang ako magtanim ng galit?" tanong ko, binilisan ko naman ang paghalo sa kape, nawalan ako ng ganang uminom. "Anong magagawa ko, mahal ko pa eh"

Isang naiinis na mukha ang natatanaw ko sa lalaking nakatayo, hindi ko siya maintindihan. Di niya ba, alam na mahirap lumimot, lalo na sa naging lagay ng relasyon namin ni Dennis.

"Kung ganun din lang, itigil na natin 'to" biglang humarap sakin at pinulot ang mga larawang pinapakita. "Mukhang di ko maasahan ang isang tulad mo"

"Rust, maasahan mo ako" biglang pigil ko sa kanya, "Si leeford lang naman amg target natin diba?" tanong, "Napagusapan na na natin to at nangako ka"

"Si Hernandez ang kahinaan ngayon ng gagong 'yon" lumapit siya sa dartboard at kinuha ang maliliit na darts.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now