CHAPTER 28

1K 94 39
                                    

•••
Dennis

Hindi ko alam kung anong meron sa tinapay na ginawa ko kanina at parang manghang mangha siya.

Pero bawat pagsubo niya 'ron ay nakangiti siyang sumusulyap sa akin.

"Hindi ka naman Freshman, no need pumunta sa ceremony" sabi niya sa akin, napansin niya sigurong palinga linga ako sa paligid ng school canteen. "Mas lamang parin yung pabaon mo sa kanya" nakangusong siya sa akin na tapos ng lantakan ang sandwich.

"Boyfriend ko yun eh" sagot ko naman, alam kong magagalit siya.

"May usapan tayo" yung mga mata niya, tila pinapasok ang utak ko at paulit ulit nitong pinapaalala  sa akin ang usapang hiwalayan ko si Lucario.

Gusto ko nanaman maiyak habang iniisip ang bagay na pwede niyang gawin pag di ko siya sinunod.

Di ko nalang nagawamg umimik, napapapikit nalang akong nakaupo dito sa canteen na tila nagdadasal.

Habang bumibili siya ng inumin ay marami akong boses na nariringig sa paligid, bulungan tungkol sa pagkatao ko.

Wala na akong maitatago pa sa idetity ko sa paaralang ito, malaki ang naging epekto ng ginawang eksena ni Ganny sa nakaraang welcome party.

Nakakaringig ako ng pangungutya, Inis, at pinagtatawanan pa ako minsan.

Gusto ko maging matatag, pero andameng problema ko ngayon.

"Still di maka move on sa Fairytale moment mo?" isang babae ang naupo sa pwesto ni Ganny, sa likod niya ay may kasama rin siyang dalawang babae na nakataas ang kilay sa akin.

Maurene. Ang babaeng sumira ng lahat, ang babaeng nanakit kay Lucario, ang babaeng dahilan ba't nagkakaganito si Ganny.

"Pwede ka na umalis, I can take care of my boyfriend" kinumpas pa ang kamay na paturo sa exit ng canteen.

"Hindi ikaw ang mag dedecide para paalisin ako sa pwesto ko" pagtataray ko sa kanya.

"Oh My God Mau, umaandar ang pagkagayish , evilish bratinilla attitude niya" sabi ng babaeng medyo maitim, pero makinis ang balat.

"Ang kapal din ng mukha mo 'no , pagkatapos mong agawin si Leeford sa akin. Tapos kumekerengkeng ka kay Jhonny, ganun ka na ba kakati?!"

Pinagsasabi ng babaeng to?

"Inagaw? Excuse me, ikaw ang nanakit kay Leeford. Ikaw ang nakipaghiwalay tapos ako ang pagbibintangan mo?!" inis na sigaw ko sa kanya.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon