CHAPTER 04

1.4K 118 41
                                    

Subdivision Scandal V
Written By: TheSecretGreenWriter
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️



GANNY'S THROWBACK•
🌈❤️🧡💛💚💙💜🖤💟

Natapos yung Colos Class mga alas otso ng gabi, sabay sabay kameng naglakad palabas sa lumang building.

"Bukas, wag niyo kakalimutan" paalala ni Red. "Tungkol sa Colos Weapon ang topic natin"

Sabado bukas, at may pasok nanaman kame sa klase nila.

Nakita ko si Brenth sa gilid ng mga mata ko.  Agad ko siyang nilapitan.

"Brenth" huminto siya. "Gusto ko magsorry regarding kanina sa Colos Q&A" naghihintay ako ng sagot niya.

Habang nakahinto rin pala yung iba naming kasama. Napatingin naman ako sa lahat.

'Ginagawa ng mga to'

"Pre, my boss.. Kakausapin mo na si Dennis?" si Whiterou na pumagitna pa sa amin ni Brenth at chinecheck yung phone na hawak ng kaharap ko.

Ako na yung nahihiya sa pinagsasabi ni Hapon.

"Hoy ikaw hapon! umalis ka nga diyan!" Hinatak ko siya papunta 'don sa ibang naghihintay. "Diyan  niyo nga yan, ingay ingay eh"

"Naku naku, boss may usapan tayo" tumabi siya kay Leeford. "Diba White?" ginalaw galaw pa ni Whiterou yung kilay niya.

"Libre mo kame diba" nagulat si Hapon sa sinabi ni Leeford sa kanina. "Sabi mo kanina" tila nagisip si Leeford. "Lilibre mo kame sa may tapsilog'an"

"Hoy! Hati hati diba! Hoy Theo ambag ambag diba!" nginitian lang siya ni Theo.

"Ano hapon.." lumapit sa kanya si Rusty. "Babackout kana ba sa pangako mo" naninindak yung boses niya tapos inakbayan niya si Whiterou.

"Hoy Rusty, ano yan!"

"Lagot ka Whiterou" Lumapit narin si Zach. "Tapos na ang pananakop ng mga Hapon.."

"Hoy hindi kita tutulungan, bahala ka diyan!" ganting panakot niya kay Zach' na agad naman napakamot sa ulo!

"Buhatin nayan!" biglang utos ni Gheo. "Kasya naman tayo lahat sa pick up kaya tara na Hahahaha"

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now