CHAPTER 72

680 89 17
                                    

••••
SILVER

Nakakatuwang pag masdan kung paano nila tignan ang isa't isa. Mga armas na nakatutok sa bawat target, tulad ng inaasahan ko. Tulad ng gusto kong mangyari, pinapadali nila kung paano ko gusto matapos ang laro na sinimulan nila.

Si Lucas nakatingin sa kapatid niya, parang naguguluhan siya sa pinapakita nito ngayon, kung paano tinututukan ng bait baitan niyang kapatid ang ulo ni Mendez ng isang patalim.

Habang siya rin ay sunod ang paglunok sa naka ambang panganib sa kamay ni Mendez.

Kahit silaw na silaw na sila ay di nagbago ang pwesto ng mga patalim. Si Mendez naman di makapaniwalang may nakasunod sa kanya. Mahusay Dwife, pinapabelive mo ako sa kademonyohan mo.

Para sa kapatid mo, kaya mong gumawa ng masama.

"Tatlong gwapo, sayang mga titibels nila." Nagsalita nanaman si Zipalta. "Welcome handsomes, alam niyo pwede naman natin to madaan sa usapan, madali lang naman akong kausap Hahaha." Tumingin siya sa akin. "Basta isa isa niyo akong ifafuck..."

"Tss..." nagpantig ang tenga ko ng maringing ko ang singhal ni Lucas! "Rusty, eto pala ang gusto mo." Sabi niya sa akin. "Ako ang kaylangan mo diba, paalisin mo na 'tong dalawa dito at palayain mon na si Max."

"Gago ka ba, nagmamagaling ka nanaman." Si Mendez kay Lucas. Hahahahahaha sige Mendez, patayin mo nayan!

"Subukan mo!" nanginginig pa ang kamay na banta ni Dwife.

"Rusty!" sigaw ni Mendez, nginitian ko siya. Yung kamay niya di na nakaayos habang nakatutok kay Lucas ang kutsilyo. "Nadala ko na siya sayo! Tumupad ka sa pangako mo!"

Si Lucas napatingin kay Mendez.

"Gago huwag mo akong tinitignan! Gigilitan ko talaga yang leeg mo!"

"Huwag kang maingay Ganny, dahil bago mo gawin yan. Sisiguraduhin kong patay kana!" nagmamatapang na banta ni Dwife na alam kong balot narin ng takot.

"Kawawa naman kayo," Si Zipalta ay lumapit sa kanila. Sinundan naman siya ng tatlong tao namin na may hawak na baril. "You know guys, kung ikakama niyo ako, mas madali niyong silang mababawe." Isang palakpak ni Carlito, senyas para ipakita ang larawan ng dalawang bata gamit ang projector.

Parehong may piring ang dalawa at nakatali ang mga kamay at paa.

"Dhanny!" si Mendez na ibinaling ang kutsilyo kay Zipalta, pero mas agad natuon sa kanya ang baril ng tatlong naming bata.

Sa pagkakataong yun biglang kumilos si Lucas.

"Subukan mo! Isang pindot ko lang dito sabog ang dalawang yan." Pinakita ko ang isang controller. Tinatawag nilang Gov, maraming connection sa isang black market, mga armas na ginagamit nila ngayon at kung ano pang delikadong weapon ay nakukuha nila ng walang kapalya palya.

Natigil si Lucas sa ginagawa niya at nakataas ang kamay na bumalik sa pwesto.

"Nangako ka, hindi mo na didadamay si Kuya! Tsaka si max nasaan na siya." Natatawa ako sa istura ni Dwife na ngayon ay umiiyak na, tulad ni Medenz ay parang nagluluksa silang napaupo nalang sa kaninang kinatatayuan.

"Hindi naman ako nagdamay sa kanya e," nginitian ko siya. "Ikaw mismo Hahahahha, kala ko matalino ka! You drag your brother to your own mess Dwifey boy Hahahaha!"

"Dwife!" sigaw ni Lucas. "Bakit ka nanadito ah!" nakakatawa talaga sila. "Nagpauto ka sa taong yan!" tinuro niya ako. Nagkibit balikat lang ako. "Mas pinalala mo lang ang sitwasyon!" tinignan nito ang kapatid.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now