CHAPTER 23

1K 99 52
                                    

•••
Dennis

Dahan dahan kong pinalagan ang pagyakap niya sa akin, bahagya siyang napaalis din at parang nahihiyang napayuko.

"Hindi pwede," tinignan ko siya. Bahagya kong isinara ang mga labi ko bago muling nagsalita. "May magaalaga na sakin, sakaling magkasakit ako.." I sighed. "Yung boyfriend ko"

Napatango lang siya, at marahang tumabi sa akin.

"I see," tinapik niya ang balikat ko, "Higa lang ang ako, medyo sumama ulit pakiramdam ko" sabi niya pa.

Naglakad na siya pabalik sa kwarto. Nakasunod naman ako sa kanya, antahimik masyado sa loob. Sa labas naman sumisipol ang kalikasan sa galit.

Nakarating kame sa loob ng kwarto niya, muli nanaman nagpatuloy ang  pagflactuate ng mga ilaw.

Wag naman sana mawalan mg kuryente, kung magbabrownout man, sana may generator sila.

Ang isa pang pinoproblema ko ay ang cellphone ko. Kaylangan ko makahanap ng charger.

Nasa higaan siya that time, gusto ko sana manghiram ng charger. Pero naisip ko baka nagdadamdam siya sa sinabi ko kanina.

Hindi ko pwede seryosohin ang ginagawa niya, sa ngayon kaya kong pigilan ang sarili ko.

Inililibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto niya, naghahanap ako kung may charger na nakakalat.

*Cough*
Naringig kong umubo siya, "May hinahanap ka?" natigil ako sa ginagawa ko.

Napatingin ako sa kanya, naghihintay siya ng sagot habang nakangiti. Di ko mabasa ang iniisip niya ngayon.

"Ah may.." bumuntong hininga nanaman ako sabay lapit sa kanya, "May extra, charger ka?" tanong ko.

"I have a lot" mabilis na sagot, sabay turo sa cabinet niya, "Sa babang bahagi"

Naginhawaan ako sa sinabi niya.

"Salamat" agad akong pumunta sa tinuro niyang lalagyan, pagbukas ko ay nakakita nga ako ng mga charger.

Kaso...







Puro Type A at Iphone charger.

"Nakita mo?" tanong niya, "Marami rin kong powerbank, full charged lahat" dagdag niya.

Malumbay na naisara ko ang cabinet, Humarap ako sa kanya na nakanguso. "Iba na kase phone ko, tapos Type C yung charger niya"

"Hmmm wala akong ganyan na charger" sabi niya. "Lahat na bago ah" makahulugang sabi niya, nagkatinginan nanaman kame. Shet.

"Di bale na, hehehe" kunwari di ko iniisip tong palowbat ko ng callphone.

Muli ko yung tinignan at, Awwwww patay na talaga siya.

Paano pag chinat ako ni Lucario?

Haist. Sana matapos na tong malakas na ulan.

Naalala ko kaylangan niya pa lang uminom ng gamot, "Ahhh iinom ka pala ng gamot"

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now