CHAPTER 30

1.1K 91 54
                                    

•••
Leeford

Itinigil ko muna sa coffee shop ang motor.

"Lucario, bat ka huminto?" tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot, bumaba ako sa motor pinanatili ko siyang nandoon. "Lucario, Agoy baka matumba ako Hoy!"

I sighed, pinagmasdan ko siya habang nakakabayo pa sa motor, nakaalalay naman ako.

"Anong nangyari ba talaga sa'yo?" I tilted my head, hindi ko kinukurap ang mata ko sa pagtitig sa kanya.

Hanggang sa siya ang matalo.

"Lucario, tinulungan niya lang talaga ako" sagot niya. Biglang siyang ngumiti. "Haist nagseselos" ngumuso siya sa akin.

"Gusto mo bitawan kita diyan" bahagya kong inalis ang kamay ko sa kanya, hindi siya marumong magbalanse sa pagupo.

"Lucario masakit paa ko" kita ko sa mukha niya ang pagsusumbong.

"Baba ka titignan ko sa loob" turo ko sa Starbucks.

Parang di naman sya makapaniwala, "Bakit diyan beyb?"

"Gagawa din kase ako ng assignment, okay na diyan muna tayo para kasama mo ako"

Tss..

May nakikita nanaman siyang di ko nakikita, kumikinang ang mga mata niya.


PUMILI ako ng pwesto para sa aming dalawa, nakaalalay lang ako sa kanya gang makaupo siya.

"Order muna ako bago ko tignan yang paa mo" parang batang nakangiti, kinuha niya ang bag ko. "Mabigat yan, maya dala akong  laptop"

"Gusto mo kaw pa buhatin ko beyb eh"

"Tss.."

UMORDER ako ng cake, Java Chip Frappuccino at Iced Tea.

Habang naghihintay, napatingin ako sa babaeng nasa counter na kanina pang nakatitig sa akin. Ayos.

Lumapit ako.

"Ah miss.." unang bigkas ko palang ay di magkamayaw ang ngiti sa kanyang labi.

"Hello po" aniya.

"Pwede ba makahingi ng ice?" nagpacute pa ako, di ko kase alam kung nagbibigay ba sila. Kadalasan, malamig na tubig ang nahihinge ko sa ibang SB.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now