CHAPTER 75

811 78 37
                                    

••••
WHITEROU

Kinakabahan naman ako sa mga heroic act nitong mga kasama ko. Una si Miggy sa baba, pangalawa yung si Zach na mukhang tatakas lang sa obligasyon, sumunod naman tong si Ogie na pumunta palang Japan nung nakaraan tapos di man lang nagsabi!

Tapos nagpaiwan dahil makikipaglaro ng billiard?

Sunod si Brenth na bigla nalang kameng iniwan. Diba Hmmmmm, may iba tuloy akong naiisip. Kanina kakaiba yung patungan nung dalawa, tapos may japan na nangyari. Pero sa buong pagsasama naman namin lahat simula pa kanina di naman sila nagpapansinan.

Pansin ko yun Hoy Oy!

"Hoy kayong dalawa! Wala ba kayong balak pabalikin si Brenth Oy!" habang naglalakad kame. Nakakainis! Akala ko naman kwarto na agad pagkataas may malawak pang parang event hall kameng napasukan.

"Wala na tayong oras, alam ni Brenth ang ginagawa niya." Sabi lang ni Theo.

Tong magkambal na 'to, masyadong seryoso. Ang nice-looking din nila tignan sa Jacket nila, tapos may beltbag kung saan nakasabit yung mga Boxing gloves na binigay sa kanila ni Green. Ang saya naman na kompleto parin lahat ng weapons na binigay sa amin.

Napahinto kame sa isang silid.

DANGER
ELECTRICAL ROOM
⚠️

"Bal," pagtawag ni Gheo sa kapatid. "Tignan mo ito..." turo niya sa isang chart na nakadikit sa pader ng electrical room. "Floor plan ng building."

"Nice." Agad inusisa ng isa pa ang parang mapa. Yayks, di ko kayang intindihin yung bagay na 'yon. "Dalawang akyat nalang tayo mga boy," nakangiting sabi ni Theo. "Mapupuntahan na natin sila Leeford at Ganny."

"Dun yung hagdan pataas." Turo ni Theo sa bandang dulo.

Naiisip ko naman bigla, tatatlo nalang kame. Oo, sabihin na nating wala ng mga alagad yung kalaban dito sa floor kung nasaan kame. Pero paano kung dun naman sa taas ay puro armado ang mga kasama ni Rusty at yung baklang Ziplata ba 'yon.

"Guy's, alam niyo kailangan natin ng bilang." Seryosong turan ko sa magkamabal. "Ganito nalang, mauna na kayo sa taas, susundin ko na ang lahat sa baba. Ibabalita kong clear na ta'yo dito." Perokinakabahan ako nab aka may napahamak na sa mga kaibigan ko! Hoy Oy, knock on the wood!

Parang nagisip pa ang dalawa, nagtitigan pa ito.

"Siguro nga, kaylangan na muna natin sila kunin." Sabi ni Theo, napatingin siya sa kapatid. "May punto si Teroy, mas mainam na marami tayo na susugod sa pinatakataas."

"Pero Bal, masasayang yung effort ng iba nating kasama para maka akyat tayo rito." Pagkontra ni Gheo.

"Huwag na kayong magtalo, ako na ang bahala sa baba." Singit ko naman. "Kayong dalawa naman sa taas, tignan niyo kung ano status, at makagawa na sana kayo ng plano para sa grand entrance natin sakali." Tangina mo Rusty humanda ka talaga sa amin!

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now