CHAPTER 63

842 101 59
                                    

••••
Dennis

Nagmememorya ako ng ipepresent ko para mamaya ng mapansin ko ang pagdating ng isang pamilyar na tao. Nakatago lamang ako sa gilid ng gazebo, iniintindi ko ang bawat salita na nakalagay dito sa binabasa ko.

"Baby ang ganda naman dito sa school niyo," isang malambing na boses ang naringig ko mula sa labas. Sinilip ko yun, hindi ako nagkakamali si Dwife nga ang naroon kasama ang isang babae. Maganda at nakayapos sa braso ni Dwife.

"Mom, hindi pa nagrereply si Kuya." Naringig kong sabi niya sa tinawag niyang Mom. Wow, siya ang nanay nila Lucario. Ang ganda niya. "Nagpromise kase siya sa akin na manunood siya."

Lucario nasaan ka na ba? Hinahanap ka na ng kapatid mo.

May ibang mga studyante rin na nandito na tulad ko ay nagrereview, pero iba si Dwife mukhang handa na siya. Si Lucario nalang talaga ang hinahanap niya. Etong Area na ito ay binigay sa amin para rito kame manatili habang hindi pa tinatawag sa entablado.

Nag umpisa na ang pangalawang araw ng Festival ang ibang contest ay ginanap sa mga classroom. Poster Making, Slogan, Quiz Bee at marami pang iba.

Pero ang pinakahighlight ngayong araw ang Project Study Collaboration namin kasama ang mga seniors. Isang oras nalang mag uumpisa na ang presentation. Bago yun ay nagbunutan kame ng numero, nabunot ko ang pinakahuling number.

Kaya mas lalo akong kinakabahan.

Si Dwife naman ang nakakuha ng pinakaunang numero, kaya siya ang unang magpepresent mamaya.

Maya maya habang nakatingin parin ako sa kanilang dalawa ay biglang may dumating na matanggkad na lalaki. Ang gara ng suot, ang tangkad, ang gwapo... para siyang leadingman sa drama ng ibang bansa. Suot nito ang isang salamin na mas lalong nagpapagwapo sa kanya.

Hindi na ako magtataka kung siya ang tatay ni Lucario.

Nakikita ko ang genius side ni Lucario sa kanya. Pero pinagkaiba ang ganda ng ngiti ng lalaking ito.

Lumapit ito kay Dwife at may sinabi sa anak.

Kasunod nun ay tila nagpapaalam na ang dalawa sa anak, mukhang pepwesto na sila sa loob ng gymnasium. Humalik muna si Dwife sa babae at yumakap naman sa gwapong tatay niya.

"Go Baby! Galingan mo." Pagchecheer pa ng maganda niyang nanay bago tuluyang tumalikod kasama ang asawa nito.

Nakatanaw lang si Dwife sa mga papalayong magulang, inis rin bigla nitong tinignan nag cellphone bago binulsa.

Ilang minuto nalang bago magsimla ang presentation, hindi pa nabalik si Ganny. Sinamahan niya pa kase ang kapatid na nagmamaktol kanina.

Iba rin ang isang yun pag hindi nakakahanap ng pagkain. Sasama sana ako ng sabi niyang manatili nalang ako para pag aralan ang ang ipepresent mamaya.

Hindi siya nangungulit sa akin, pero bawat kilos niya ay nararamdaman ko ang pagiingat niya.

Kagabi magkatabi kame sa kama, magdamag lang siyang nakayakap sa akin. Ramdam ko yung sobrang higpit ng yakap niya. Ultimo bumangon para magbanyo ay di ko nagawa dahil sa yakap na 'yon. Ayoko rin kumalas, ewan ko ba, nagsisimula na ulit akong gustuhin ang ganong pagdikit niya sa katawan ko.

Sa muli kong pagtingin kay Dwife ay pansiin kong may iba siyang tinitignan. Nakakunot nag noo niya at salubong ang kilay na nakatingin sa ibang dako, sumesenyas pa siya ng pagtataboy.

Napatingin ako sa di kalayuan.

Nakita ko si Max.

Malungkot na nakatingin kay Dwife. Medyo naawa ako sa bata kaya naman tumayo na ako at lumapit sa kanya. Napansin rin agad ni Dwife ang pagtayo ko at paglapit sa bata.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon