CHAPTER 49

941 123 31
                                    


••••
Dennis

Matagal na palang alam ng mga kapatid ko kung nasaan si Kuya Rain, nagmukha lang akong tanga ng malaman ko 'yon. Gusto ko magalit, pero naisip ko para saan pa? Para sa panahong wala ang isa sa mga Kuya na talagang nagmamahal sa akin?

Maski si Kuya Vince ay alam narin pala 'to, nakakatampo na ako lang ang nagiisang walang alam sa nangyayari.

Ayon kay Kuya Rain, hindi parin sila magkasundo ni Kuya Vince. Pero tuwing nagaaya ng isang pribadong Dinner si Kuya Clifford ay nan'don si kuya Vince.

Si Ate Mae na pinakasimula ng di pagkakaunawaan ng dalawa kong Kuya ay nasa London ayon kay Kuya Rain, sila lang ang nandito sa Pilipinas ng anak niyang si Rain Draphz. Nagtatrabaho bilang isang IT support si Ate Mae.

Habang si Kuya ay nagaalaga lang kay Rain Draphz, nakatira lang sila sa kabilang Subdivision, kung nasa United II kame, sila naman ay nasa United I.

Nagtatampo ako, dahil parang inilihim nila sa'kin 'to. Paliwanag sakin ni Kuya nahihiya raw siya sa akin, na kakarating ko palang sa Maynila ay ganito na ang makikita ko sa pamilya namin. Pero may ibang tumatakbo sa isip ko kung bakit ayaw din muna magpakita sa'kin ni Kuya Rain.

Dahil siguro sa lihim ko, baka mas inisip niyagn- Hindi ko mapigilan na maakit sa kanya at di niya ako mapigilang di pagbigyan.

Ipinakilala ko si Ganny kay Kuya Rain, naging ayos naman ang pagtanggap niya. Hindi ko alang alam kung may iba siyang nahalata sa kung anong meron sa amin ni Ganny. Natuloy parin ang talagang sinadya ni Ganny sa araw na'yon.

Araw araw namin ginagawa, pero tila wala parin nagbabago sa nararamdaman ng puso ko. Nasasaktan parin ako, tuwing nakikita ang mga larawan ni Lucario kasama si Maurene.

Dumating ang araw bago ang School Festival, naging abala ako kasama ang ibang council ng ibang eskwelahan na kasama sa DABAST. Para sa final na timeline ng event, magkakaroon ng tatlong araw na pagdiriwang.

Unang araw, para sa Booth presentation.

Pangalawng araw, sa Academic Competetion.

At sa huling araw gaganapin ang awarding para sa mga mananalong studyante, magkakaroon rin ng salo salo para sa lahat- Na sa pagkakaalam ko ay handog ng pamilya na sumusuporta sa DABAST organization.

Napapabalita sa campus na may mayamang pamilya raw na nag humahawak ngayon sa DABAST, nariringig ko pa na meron narin share ang mga to sa anim na eskwelahan, na hindi ko naman pinaniniwalaan.

Ang pagkakaalam ko lang talaga kase ay tulong tulong ang anim na eskwelahan sa budget na nilalabas sa mga event na dinaraos ng DABAST Organization.

Ano man ang katotohanan sa mga balitang kumakalat. Ang mahalaga naman ay may tamang budget para sa mga ganitong malalaking event.

Wala ulit akong nagging balita kay Lucario, kahit si Dwife ay nakikita ko lang na seryoso lang din sa pagtulong sa council. Minsan nakikita ko siya magisa na nakabusangot. Nahule ko narin siya minsan na naninigarilyo.

Pero hindi ko na pinakialaman 'yon, dahil marami akong bagay na iniisip.

Nangako si Kuya Rain na manonood daw siya ng presentation ko sa School Festival. Pwede kameng maginvite mula sa tao sa labas, pero limit lang isa kada studyante.

Kaya naman napepressure na ako sa darating na Presentation, ayokong mapahiya kay Kuya.

Lahat ng kikitain sa booth ng bawat eskwelahan ay mapupunta sa napiling charity ng eskwelahan, nakakinis lang kase medyo hindi ko ata maeenjoy ang unang araw ng Festival dahil ako ang naka atang sa Isa sa mga booth ng DMA.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ