CHAPTER 44

1.2K 143 82
                                    

••••
Leeford

SABADO – SAANI Road

Kinabukasan maaga kong tinawagan si Dwife at sinabi ko sa kanya ang kagustuhan ni Maurene na sumama sa lakad namin ngayon. Medyo nag alangan pa siya, di ko alam kung salungat siya sa ideyang kasama ko si Maurene.

Wala nanaman akong nagawa dahil sa pananakot niya sa akin, hawak niya ako sa leeg.

Lalo itong nagalit sa akin dahil sa tinangihan ko siya sa gusto niyang mangyari kagabi. Sapat na ang isang pagkakamali, hindi ko na gustong gawin ang bagay na 'yon. Kung mauulit man sisiguraduhin ko nang kasal na kame.

Wala na akong magagawa pa, hindi ko na kayang auyusin ang meron samin ni Dennis.

Pagdating sa site ay dali dali kong inilinga ang paningin para hanapin ang grupo ng kapatid ko. Habang nasa ganun akong ayos ay bigla nalang pumulupot sakin si Maurene, tila isa siyang sawa na ayaw ng pakawalan ang kanyang pagkain.

Nasa paanan lang din namin si maulee, na sanay na sa mga ganitong galaan.

Gusto ko siyang paalisin, pero nagaalala akong baka gumawa siya ng eksena rito sa SAANI.

"Ang tagal naman nila," malanding aniya na kumakagatkagat pa sa braso ko.

"Maurene, umayos ka naman" iritable ako sa ginagawa niya. Umirap siya at inis na bumitaw sa akin, pinagkrus ang dalawang braso at ang lisik ng tingin sa akin.

Sakto, nakita kong naglalakad sika Dwife papunta sa pwesto namin. Agad akong nakita ni Jona, sinaluduhan ko lang siya gamit ang isang daliri.

Napansin ni Maurene ang ginagawa ko, napatalikod siya at kita ko ang ngiti sa kanyang mga mata ng Makita niya si Dwife. Agad siyang lumapit sa'kin at muli nanamang yumakap sa aking katawan.

Kita ko ang gulat sa mata ng tatlo. Tinignan ko si Dwife at kinausap siya gamit ang aking kilay. Hindi man lang ba niya kwinento sa tatlo ang tungkol sa pagsama rito ni Maurene.

"Hi Dwife," agad na pagpansin nito sa kapatid ko. Bumitaw sakin at lumapit sa kanila. "Pakilala mo naman ako sa mga kaibigan mo," Hindi na ako komportable sa pinagsasabi niya.

"Ah Hi Ate," tipid na ngiti ng kapatid ko. "Ah guys, Ate Maurene nga pala," bumuntong hinga at tila di alamang idurugtong.

Kita ko naman sa tatlo ang pananahimik at tila naiilang rin sa presensiya ni Maurene.

Sana di makarating kay Dennis ang tagpong to, alam kong di parin niya tanggap ang nangyayare kaya naman ayokong magisip pa siya. Ayokong maramdaman niyang inilalapit ko si Maurene sa aming common friends.

"Hi I'm Maurene, fiancé ako ni Leeford," nagulat ako sa mabilis na pagsasalita niya. "Nice meeting you guy," lumapit to kay Jona. "Ang ganda mo pala lalo sa personal, prend!" at yumakap itovkay Jona na parang magkakilala na sila.

Bakit alam niya ang tawagang 'yon? Di ko alam kung paano, pero mukhang kilalang kilala navni Maurene ang mga tao sa harapan niya.

"Happy Birthday ganda!" nanlaki nalang ang mata ni Jona sa gulat dahil sa pagbati sa kanya ni Maurene. Sunod nitong nilapitan si Drew.

I took a glaze to my brother, gusto kong malaman kung may nakekwento ba siya kay Maurene tungkol sa mga to. But he only shrugged at me.

"Drew, right?" napatango nalang si Drew. "Ikaw ah huwag mo nga inaaway si Birthday Girl, dapat minamahal mona siya ngayong kaarawan niya,"

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now