CHAPTER 18

1K 85 30
                                    

•••
Dennis


Pagkatapos gawin ang kalokohang pagsama sa larawang naisend ko sa GC, ay umalis siya na may ngiting tagumpay.

Hinding hindi ko maintindihan ang kinikilos niya.

Agad kong dinelete ang nasend na larawan. Kinukulit ako ni Jona, tungkol sa kanya, pero pagod na akong magsalita, at ayokong bumuo ng paguusap na siya ang bida.

Simula ng magseen ay, hindi ko na makontak si Lucario, off lahat ang contact niya.

Kinakabahan ako sa iisipin niya, na narito ako at nakikipaglandian kay Ganny.

Ayokong isipin ni Lucario na gan'on dahil nagtiwala siya sakin , sa pagattend ko sa Welcome Party.

Dumating ang iba pa naming kasama. Agad na sinalubong ni Jona ang iniirog na si Drew na umaalpas sa pagyayakap nito sa braso niya.

"Ang kulit ahh" pagpapaalis ni Drew kay Jona.

Nakangiti naman na lumapit si Threz na ukbit ang gitara niya. Naalala ko, nasabi niya sa chat yung pinapakanta sa kanya.

"Sinong nagbigay ng kakantahin mo?" nakita kong, bumuntong hininga siya.

"Yun daw ang request ng management" sagot niya na parang disapointed parin sa Choice of music. "Gusto ko sana yung panggeneral theme, yung makaakrelate ang lahat, yung goodvibes.. tungkol sa friendship memories.. something like mga alaala  sa camping"

"Huwag mong sundin ang gusto nila" nakangiting payo ko sa kanya, nagulat si Threz sa sinabi ko.

"Hindi ko susundin?" paguulit niya.

"Plano ni Ganny na kantahin mo ang awit na 'yon, para guluhin ako" napatingin naman ako kay Dwife, abala to sa binabasa sa cellphone niya. "Dahil ang kantang 'yon ay may malaking papel sa nakaraan namin" muli kong itinuon ang tingin kay Threz.

"Bakit? Para saan ang lahat ng 'to" tanong niya.

"Hindi ko alam.." humarap ako sa kanya. "Basta kantahin mo ang naunang hinanda mo, yung kantang para sa lahat.. para sa mga magkakaibigan tulad nating lahat"







Anong Pinaplano niya? Ngayon ko lamg din nalaman na ang lahat ng pinapagawa niya sa apat kong kasama ay may kinalaman sa aming dalawa.

Hindi man direkta siya ang nagutos, pero alam kong sa kanya galing lahat ang ideya.

Ang..

..Pagawin ng isandaang Joke si Jona tungkol sa Alimango,
..Pasuotin si Drew ng costume na sexy na alimango ang disenyo,
.. Paghandain si Dwife ng Quiz tungkol sa alimango, at
.. Ang pagpapakanta niya nga kay Threz sa kantang inawit ko sa kanya, noong sinuyo ko siya sa Train Station ng Espana.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now