CHAPTER 20

1K 107 45
                                    

•••
Dennis
Wednesday | 10:00 am

Hindi natuloy ang pasukan ngayong week dahil sa patuloy na malakas na pagulan. Wala namang bagyo, ayon sa balita. Nagsimula to kagabi, pagkatapos ng Welcome Party. Habagat lang daw ayon kay Mang Tani.

Kaya nakakulong lang ako sa kwarto habang katabi si KribKrab, si Maulee hiniram naman ni Kuya Clifford.

Nakapatay ang aircon, pero nakabukas ang pinto sa balkonahe, dinadama ko lang ang ihip ng hangin, at gusto ko masilayan ang kulay abong kalangitan habang pumapatak ang malakas na ulan.

Binuhat ko si KribKrab at yakapyakap ko siyang binuhat palabas ng balkonahe habang nakabalot naman ang kumot sa katawan ko.

Natigilan ako ng makita ko ang isang puting pickup sa tapat ng gate.

Kasunod ang paglabas ni Kuya Brenth habang nakapayong.

Pumasok si Kuya sa loob ng sasakyan na hindi naman umaalis, mga ilang minuto yun nakahinto bago bumaba si Kuya at pumasok ulit sa bahay.

Bumusina muna ang sasakyan bago umalis.

Di nagtagal ay may kumatok sa kwarto, bukas naman yon, pero ugali lang talaga nila kumatok pag wala akong ginagawang kababalaghan sa loob.

Si Kuya Brenth ang inilabas ng pinto, na naupo naman agad sa may swivel chair na nakapwesto sa studytable ko.

"Bunso" parang may kakaibang tono, sa pananalita niya.

"Tungkol ba sa akin ang pinagusapan niyo sa labas?" hula ko lang naman ang tinanong ko sa kanya.

Umiling siya

"Pero medyo .." aniya. Parang nagiisip to kung magkekwento ba o aalis nalang, pakiramdam ko may nangyari 'eh.

Ibinaba ko si Kribkrab sa kama at dun ko siya hinayaang humimbing.

Lumapit ako kay kuya, umandig ako sa kanto ng studytable. "Tungkol ba 'ito sa kanya?"

"May sakit daw si Ganny," dahan dahan siyang sumulyap sakin, na medyo nagaalala ang mata. "Pumunta dito si Whiterou at Theo, ayaw daw kumain at uminom ng gamot"

Napasimangot ako pero naisip ko rin siya, Bat siya magkakasakit?

Napatingin ako sa ulan, naalala ko bigla ng maghiwalay kame ng landas kagabi.

Naulanan kaya siya?

"Ikaw daw ang hinahanap ni Ganny"
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya, nakamot ko ng bahagya ang aking tenga. "Alam ko may nagawang masama sayo yung tao, alam kong di kaaya aya ang ginawa niya kagabi.. pero tuwing naalala ko yung naging samahan namin, di ko matiis na magalala" sabi ni Kuya.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Onde histórias criam vida. Descubra agora