CHAPTER 64

952 103 87
                                    

••••
DENNIS

Susundan ko sana siya ng hawakan ako ni Kuya Rain sa braso.

"Let's go." Aniya na nakangiti, sabay tingin sa katabi ko na hindi ko mabigyan ng sulyap sa pagkakayamot ko sa ginagawa niya ngayon. Hindi ko alam kung anong nangyari bago ang pagkikitang ito.

Pero isa lang ang naging resulta 'non—

Naipamukha niya kay Ganny ang bagong pagkabigo. Iba itong nararamdaman ko, parang hinahanap ng puso ko ang gagong yun na walang isang salita.

Hindi ko inaasahan na basta na lang niya ako iiwan at magdadahilan ng iba.

Hindi mawala sa isip ko si Ganny, alam kong hindi madali sa kanya ang pagsasama namin ni Lucario ang pagkilala ni Kuya ko kay Lucario bilang Boyfriend ko. Ramdam ko ang sakit sa mukha niya, tinitiis niyang huwag ipakita ang galit, dahil alam kong nangako siyang hindi agad basta susugod dahil sa nararamdaman niya.

Ang isip ko nasa kanya kahit kasama ko itong dalawang na tinatahak ang daan.

Masayang naguusap si Kuya at Lucario sa harap ko mismo, hindi ko talaga alam kung paanong nangyari ito.

Tahimik lang akong sumakay sa likuran ng kotse ni Kuya Rain.

"Samahan mo kapatid ko sa likod," ringig kong sabi ng kapatid ko kasabay ng pagsara niya ng pinto sa harap.

Agad kong inayos ang sarili at nagbigay ng ispasyo sa likod ng sasakyan. Kita ko naman ang pagpasok ni Lucario na iniwasan ko naman ng tingin.

Nagtama bigla ang tingin namin ni Kuya sa front mirror, pansin ko ang pagtataka niya dahil sa pinapakita kong pagiging iritable.

Tinignan ko lang si Lucario. Ayokong gumawa ng ingay mariringig ni Kuya. Panay ang paglapit niya sa akin, tumatabi siya ng husto. Iniiwas ko nalang ang tingin ko at binabaling sa bintana.

Ganun nga kame hanggang makarating sa isang Garden Restaurant.

"Bayaw andito ba na sila?" biglang sumilip sa amin si Kuya.

May pinaguusapan sila na tila wala akong ka alam alam. Tsaka hindi ko gusto ang pagtawag ni Kuya ng bayaw kay Lucario.

"Kanina pa Kuya Rain," nakangiting sagot ng katabi ko. Inis kong inalis ang kamay niyang kanina pang pinapatong sa hita ko. "Excited na silang makilala si Dennis," muli niyang hinawakan ang kamay ko. Isang simpleng ngiti ang binigay niya sa akin na pinagtakhan ko naman.

"Sinong sila?" tanong ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako. Parang tanga.

Una siyang bumaba sa akin, akala ko iniwan niya lang ako. Pero biglang bumukas ang pinto kung nasaan ako. Bumungad siya sa harapan ko na nakangiting inaabot ang kamay niya sa akin.

"Kaya ko na," pagtanggi ko na umusod pa at sa kabilang pinto dumaan.

Pagkababa ko ay nakita kong nakatayo sa kabila sila ni Kuya, si Kuya nakatingin kay Lucario na napakamot nalang sa buhok niya.

"Hindi ko maintindihan," pagpuna ni Kua Rain. Lumapit ito sa akin, "May problema ka ba bunso?" Tanong niya habang sinasara ang pintong binuksan ko. "Huwag ka naman ganyan kay Leeford, huwag ka na magtampo sa kanya pumunta naman siya sa presentation mo tulad ng pangako niya."

Ano?!

Hindi ko siya inaasahan kanina, wala akong inaasahan sa kanya. Sa tulad niyang mangloloko, ang lakas ng loob niyang paikutin ang kapatid ko.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Onde histórias criam vida. Descubra agora