CHAPTER 42

1.2K 150 111
                                    

•••
Joey

BIYERNES.

Naninibago ako sa baklitang to, kanina pa aya ng aya sa canteen.

Breakfast.
Lunch.
Meryenda.

Ultimo ngayong uwian na, dumaan kame ng palengke, para mamili ng rambutan.

"Hoy naglilihi ka ba, andami naman niyang kinuha mo" tinitigan  niya ako mg masama.

"Ba't ako maglilihi hindi naman ako buntis," parang robot na tamad na sagot niya.

"Hehehe sabagay, sino ba naman kaseng buntis" humarap siya sa akin hawak hawak ang isang pirasong rambutan at dinurog niya to sa kamao niya.

"Pake ko kung buntis siya! Magsama sila!" binato niya sa daan yung mga balat ng rambutan at sinubo lang bigla yung kaman.

Hala, may buto kaya yun. Pero nagalala ako ng lunukin niya.

"Brader wala naman akong sinasabing buntis," pagpapakalma ko sa kanya, habang kumukuha narin mg rambutan. Nginitian ko si manong na napapakamot nalang sa aming dalawa. "I mean, sino ba naman kase maglilihi sa inyo"

Umirap lang siya. Ay nagmamaldita.

"Otsenta po lahat Sir," sabi ni manong. Inabot sa kanya ni Dennis yung isang daan.

"Tara na" biglang aya niya bitbit ang mga rambutang nakabalot.

"Sir sukli po"

"Sa'yo na po"

Nagulat nalang ako dahil sa inuugali ni Dennis. Hindi ito tama, may mali.

Andami niya kumain ngayon, di ko maintindihan  kung bakit. Nagaya nalang kase siya kahapon na manlilibre siya.

Pati ngayon walang pagbabago, bili kung bili ang gago sa canteen ng kung anu-ano.

Tuwing tinatanong ko kung anong nangyari sa kanya, di ako sinasagot ng matino.

Naghiwalay kameng dalawa sa may terminal, pinagmasdan ko siya bago sumakay. Nagkakalat siya sa may waiting shed ng mga balat ng rambutan.

Gagi, anung nangyayari dun?

Ng may humintong jeep ay sumakay lang to, di nagpaalam sakin! Kainis to si Brader!

*BEEP!*

Nagulat ako ng may humintong kotse sa tapat ko, mas kinagulat ko ng makita kung sino 'yon





Pagdating sa bahay ay naabutan ko si Drew na nakatutuk nanaman sa computer.

Binato ko ng bag, tumama sa ulo.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu