CHAPTER 66

1.4K 123 94
                                    

HAPPY VALENTINES DAY my Little Secrets and Crablets Army! Mahal ko kayo Muah Muah! Pachupchupxxx!
🧡❤️🖤💜💙💚💛♥️💓💟❣️💌💕💞💗💖💝💘


























••••
Dennis

Nasa tapat na ako ng gate, iniisip ko kung paano ko siya haharapin. Alam ko sa sarili ko na unti unti ko na siyang nabibitawan, pero iba parin talaga pag yung iniisip mo ay kokontrahin ng biglaang sitwasyon.

Hindi ko mahawak hawakan ang gate.

"Bukas yan, hindi sinara ni Kuya Topher yang gate." Napatingin ako sa sarahan ng gate, nakalapat nga lang yun. Tila hindi makapaghintay si Kuya Brenth napatingin ako ng maglakad siya pauna sa akin at binuksan na ng tuluyan ang maliit na gate.

Pagkatapos nun ay sinulyapan ako ni Kuya. Tila pinepresenta niya sa akin ang taong nasa labas ngayon, kita ko ang pekeng ngiti sa kanya. At ang mga matang nagtatanong.

Dahan dahan kong sinilip ang pinagbuksan namin ng gate.

Napayuko ako ng makita ang taong nasal abas, batid ko rin ang pagiging matamlay niya. Napatngin ako kay Kuya, ngayon lumabas na ang tunay na pinto ng mukha niya.

Galit.

"Ano, magyakapan kayo." Nagulat ako utos niya. Tinignan ko naman si Ganny na nakatayo sa gate, may hinala na ako na may alam na si Kuya, pero hindi ko inaasahan na may ganito siyang binabalak.

"Kuya..."

"Huwag mo ako matawag tawag na Kuya, kung hindi ganun ang turing mo sa akin." Biglang sumalubong ang kilay niya. "Ano pre?" kay Krab siya ngayon nakatingin naman. "Pumasok ka na, mag uusap tayong tatlo."

Hindi ko maintindihan si Kuya sa sinasabi niyang turing ko sa kanya.

"Pare huwag ka kay Dennis magalit, sa akin nalang." Sumagot naman si Krab na bahagyang tumabi sa akin.

Nginisian lang siya ni Kuya.

"Huwag kang mag magaling, pinagsasabi mo." Galit na sabi niya naman kay Krab, di ko na gusto ang pagiging sagutan kaya naman pumagitna na ako sa kanila. "Ayaw mong pinapagalitan ko syota mo?" biglang itinuon ang pansin sa akin.

"Kuya sorr—"

"Sa loob tayo mag uusap!" sigaw niya bago pumasok diretso sa bahay.

Sobrang kaba ko, nagkatinginan kame ni Krab dahil sa nakikitang reaksyon kay Kuya.

"Krib," nagaalala siya sa akin. "Sorry hindi ko nasabi sa'yo, siya rin kase ang nag utos sa akin na huwag kong ipaalam sa'yo."

"Kaylan ka niya kinausap?" tanong ko naman habang tinungo ang gate. Sinara ko yun, baka kase dumating iba kong kapatid at pumasok nalang.

"Kagabi pa Krib, pagkatapos kitang ihatid." Parang nakokonsesiya ang mga mata niya, "Kaya kanina panay kulit ako sa'yo kung nandito an siya."

"Alam na pala ni Kuya, pero hindi ko inaasahan na ganyan ang galit niya." Sagot ko naman, hinarap ko siya at niyakap. "Ano pa mang mangyari sa usapan na ito, walang bibitaw Krab..."

Magkasabay kameng pumasok ni Ganny sa loob ng bahay naabutan namin ang galit na mukha ng kapatid ko na naka-abang sa pagdating naming dalawa.

Naupo kame sa mahabang sa sofa habang si Kuya ay solo sa kabila. Hindi ko mapigilan ang pangangatog ng mga tuhod ko, napapansin yun ni Ganny kadahilanan para hawakan niya ang kamay ko.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛Where stories live. Discover now