Chapter 26

66 22 0
                                    

Chapter 26

"I don't know how to review! Wala akong mahanap na reviewer sa online at saka wala nang tinatanggap na students sa mga review center dahil nakalahati na nila ang plan! Gr! Nakaka-stress!" nagra-rant lang ako rito kay Dine dahil tumawag talaga ako sa kaniya. Kaysa sa sumabog ako nang mag-isa rito.

"Chill! Alam mo ako, hindi ako nagbalak mag-med kaya wala akong maibibigay sa'yong reviewer! Nurse lang ang pinili ko!"

"Ang pangit mo!" kapag talaga naiinis ako tinatawag kong pangit ang kahit sino. Kumunot ang noo niya sa screen.

"Okay lang, at least hindi ako magm-med!" dumila pa siya para inisin ako.

Gusto kong sumigaw at magwala! Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong this time. Wala ako kakilala na magm-med. 'Di naman kami close ng mga teacher ko noon sa college na mga doctors din. Hindi ako ganoon ka-walang hiya no.

"May kakilala ka ba na nag-take ng NMAT? Panghingi naman oh..." Pakikiusap ko pa sa kaniya pero ngumisi lang siya.

"Kiss muna,"

"Iw! Ang dugyot mo talaga!" hindi maipinta ang mukha ko ngayon dahil nakakadiri ang pagkakasabi niya doon. Napatayo at napalundag ako nang may naalala akong isang tao na pwedeng merong copy ng reviewer para sa NMAT. "Omg! Sian!"

"Hu-h? Napano si Si--" hindi ko na pinakinggan pa ang mga sasabihin niya dahil kailangan ko na talagang mag-review kung gusto kong makapasok sa medical school.

Sana kayanin ko ang one month sa pagre-review ng mga aptitudes at special area sa NMAT. Kaya ko naman maging makapal ang mukha kahit one time lang.

I opened my instagram account and I have 3 unread messages from Sian. Omg! I forgot to reply last time. It's been already 2 days. Jeez! Lalo akong nahiya nang maalala ko kung paano ko in-ignore ang mga dms niya sa akin last time.

@callmesi
I hope it's NRMF. I would be so glad to help you.

@callmesi
So, is it where I study?

@callmesi
Hey...

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sarili ko o mata-touch dahil gusto niya akong tulungan if ever sa FEU ako. Para tuloy nadagdagan ang reason ko para mag-NRMF, may tutulong sa akin at matik na akong may kakilala.

"Oh, God, anong sasabihin ko?" sinimulan ko nang mag-type pero wala akong ma-produce na words dahil ang awkward kung hihingi ako ng favor sa unang message ko pa lang.

@krishave
Yes! Napagdesisyunan ko na doon na lang ako dahil marami ring topnotchers na doon nag-aral dati, 'di ba?

Hindi ko nga sure kung may topnotchers na taga-FEU e, nagrarason lang talaga ako, sana effective.

"Mag-reply ka na please, please, please..." pumikit pa ako at bumulong-bulong. Desperada na ako sa reviewers dahil isang buwan na lang ay NMAT na. "Please, kailangan ko nang re--" tumunog ang phone ko kaya napalundag ako sa kama na hinihigaan ko.

@callmesi
Good Morning. NRMF? Yep, maraming topnotchers na galing doon.

Hindi niya man tinanong kung bakit after 2 days lang ako nag-reply kaya siguro baka hindi naman big deal para sa kaniya.

I've decided to lure our conversation muna bago ko tuluyang hingin ang copy niya ng reviewer.

@krishave
Really? Maayos ba ang mga prof?

Walang isang minuto ay nakakapag-respond naman siya kaya siguro makukuha ko nang maaga ang reviewer.

@callmesi
Normal lang, may mga strict at meron ding mga tamad. As usual.

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Where stories live. Discover now