Chapter 11

128 52 7
                                    

Chapter 11

Dad said I will be needing a new car if I will continue working on his company. I'm still thinking about it. Everyday kasing mapapasabak ang sasakyan ko dahil lagi akong pumupunta sa construction site. I started going on Buendia these past few days, 4 days to be exact.

Hindi pa rin nagparamdam sa akin si Mateus magmula nang iwan niya akong basa sa ulan. I even asked Pola about him but she said I should contact Lius na lang daw. Pola is busy, her wedding will be in two weeks, that's why I understand that she couldn't help me with my problem.

Gawa na rin ang gown na pinagawa sa amin ni Pola. They delivered it to our house yesterday. It is a nice rouge pink. My cleavage is kinda showing because its neckline is heart-shaped, but I think it's fine for my 23 year-old self.

Nakaupo ako ngayon sa isang monobloc sa likod ng ginagawang building ng ga workers namin. Nandito rin ang mga bags at iba pang gamit ng mga mangagawa, all of the material they are using are from our company. Nasa tabi ng mga gamit ang isang mesa na kung saan nakalagay ang isang jar ng tubig at ang isang bluetooth speaker na pagmamay-ari ng isa sa mga trabahador.

Pinapatugtog niya ang mga kanta ng air supply. Baka kasi ito na ang nakakapag-chillax sa kanila habang nagtatrabaho, 'di ba?

Dalawang oras na akong nakaupo dito at inip na inip na ako pero I still should do my job. Kailangan kong magstay dito dahil anytime ay pwedeng may mangyari sa kanila.

Nakita ko si kuya Norman na kumuha ng tubig mula sa jar gamit ang tumblr niya.

"Ma'am baka gusto niyo po ng miryenda? May dala po kasing spaghetti ang Architect dito kanina. Pero agad po siyang umalis at sinabi na napadaan lang daw po siya." wika niya.

Ang architect kasi namin dito ay babae rin, at sa tingin ko ay busy siya dahil madalang lang siya kung dumalaw. Apat na araw na kaming nandito ng mga trabahador pero ito pa lang ang pangalawang beses na punta niya. She's just in the same age of me, I think. Pero hindi ako sigurado.

She's nice, though I haven't talked to her yet. 'Yon kasi ang pagkakadiskubre nila kuya sa kaniya.

Nakita ko naman si kuya Oweng na pumunta rin dito at bitbit bitbit ang isang malaking plastic na may lamang maraming styro, na sa tingin ko ay may lamang spaghetti. Ipinatong niya ang dala niyang plastic sa mesa kung saan nakalagay ang jar.

"Mauna na ho kayo kuya" ngumiti ako sa kanila. "Kain po kayo ng marami." sabi ko sa kanila nang makita ko na lahat ng mga trabahador ay nagsipunta rito at karamihan sa kanila ay niyaya akong kumain na. Maraming monobloc ang nakalagay dito kaya magkakasiya naman kami.

"Ma'am, kain po." niyaya naman ako ng isa at itinaas pa ang hawak niyang styro na may lamang spaghetti. "Masarap po." he said, then gave me a styro of sphagetti, na may nakapatong na disposable na tinidor sa taas.

Hindi ko na kayang makatanggi dahil binigay na niya talaga ng tuluyan sa'kin. They are all generous. "Salamat po." I said smilingly. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

Nakaupo silang lahat ngayon sa kaniya-kaniya nilang upuan.

"Si Sir Santamonte, nasaan?" tanong naman ni kuya Oweng sa mga kasamahan niya. Siya na lang ang nag-iisang nakatayo dahil siguro nakita niya na may sobrang isang styro ng sphagetti.

I saw him left earlier, baka hindi lang siguro niya napansin.

"Umalis siya, sabi niya po ay babalik din siya kaagad." I answered kuya's question.

"Ah, ganoon po ba, Ma'am?" wika niya at umupo na rin sa kaniyang upuan.

Engr. Santamonte is our engineer here. Napaka-professional niya kung makikita. He's already 50+ years old, I think. Experienced na siya, kaya marami ka talagang matututunan sa kaniya.

He left an hour ago, para bang nagmamadali siya.

Naalala ko tuloy si Mat, he said he's an engineer. He was an engineer in San Diego. I sometimes wonder, what is his job now?

While eating the spaghetti kuya gave, I felt my phone vibrates.

Nakita ko sa screen ang pangalan ni Pola.

From Pola:
Lius said his cousin is sorry of what he did to you. I don't quite understand what he said but he told me to say this message to you.

And I hope you could fix whatever your problem with him, sorry friend, marami lang kasi akong ginagawa. I'm going to be a wife soon. Ily. xx

Wow. He's sorry but he said that to his cousin who made Pola said that to me? Ano 'to pass the message. I can't see the sincerity.

He left me with just a sorry, then didn't contact me for days. And now, he's sorry again but couldn't say it to me directly? What a coward.

I just replied a GIF that says 'I love you' to her.

Ginugulo pa talaga nila ang taong malapit nang ikasal.

I won't contact him first. I didn't do anything wrong.

Inubos ko na ang spaghetti at tumingin ako sa wristwatch na suot ko ngayon. It's already 5:50pm kaya siguro makikita na ngayon na nagiging kulay orange na ang langit dahil malapit nang lumubog ang araw.

6:30 ang uwian namin dito kaya hindi pa ako pwedeng umalis kahit na inip na inip na ako.

Bumalik na rin sila sa trabaho kanina kaya ako na naman mag-isa dito. Maingat silang magtrabaho kaya wala talaga masyadong nasusugat sa kanila. Iilan pa lamang ang mga nagkaroon sa kanila ng sugat pero dala lang 'yon madalas ng pagkagasgas okaya naman ay may mga sitwasyon na nahihilo sila kaya't minsa'y napupukpok ang martilyo sa daliri. Kaya laging handa ang kit at mga antibiotics sa tabi ko dahil 'di ko masasabi kung kailan may mangyayaring hindi maganda.

Narinig ko na ang tunog ng reminder ng phone ko, kaya alam ko na kung ano ang note na nakalagay doon.

It's 6:30 already, umuwi ka na.

Lagi kong naririnig ang unique na tunog ng reminder ng phone ko kaya alam na alam ko kung kailan ako o kung anong oras ako uuwi.

Niligpit ko na rin ang mga basura na nakakalat sa sahig at tumulong na rin akong magligpit ng mga gamit sa trabaho nila.

"Ay, Ma'am Krisha, 'wag na po kayo mag-abalang linisin iyan kami na po ang bahala na maglinis diyan. Kasama po iyon sa trabaho namin." wika ni kuya Oweng sa akin at naglakad siya papalapit sa mga basurang nakatapon lang sa sahig.

"Tulungan ko na po kayo kuya, maghapon din naman po akong walang ginawa kaya kahit ito lang makatulong ako." tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Nginitian naman niya ako pabalik. Makikita sa mga mata niya na napakabait niyang tao.

Tinulungan niya rin akong magligpit. Narinig ko na rin ang mga yapak ng iba pero wala nang masyadong duni kaya malinis ng tignan ang mga gamit dito.

"Salamat po, Ma'am." wika naman ng isa sa kanila.

Nginitian ko na lamang siya. Nakita kong inaayos na rin nila ang mga gamit nila kaya kinuha ko na rin ang gamit ko, pero iniwan ko na ang kit dito dahil bukas ay babalik pa rin naman ako rito.

"Mauuna na po ako." paalam ko sa kanila. Ngumiti naman silang lahat sa akin.

"Mag-ingat po kayo, Ma'am, maggagabi na ho." kuya Norman worriedly said. Napakacaring talaga nila.

"Kayo rin ho." I smiled at them at tuluyan na akong naglakad papalayo.

Pagka-apak na pagka-apak ko pa lang sa labas ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ko.

What is he doing here? Paano niya nalaman na nandito ako?

"I'm sorry, Krisha, for what I did." he sadly said while looking at my eyes.

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin