Chapter 24

72 25 0
                                    

Chapter 24

"Are you insane?" he is sniffing the air I breathed. Ang baboy naman neto.

"I was once," he grinned, but luckily he stopped doing what he was doing.

"Kaya pala," bulong ko pero parang narinig yata niya. Dapat pala ay hindi ko sinabi 'yon dahil lumapit na naman siya sa akin at kaunting mali sa na lang ay babagsak na 'ko sa sahig. "H-hey," he's reaching his pointing finger to my lips.

"You know what, you look kinda familiar," isiningkit niya ang mata niya at ino-obserbahan niya ang mukha ko.

"I thought you don't know me," I tried having my natural voice back. Ayokong mautal sa harap niya. He touched my lips with his fingers kaya napaatras ako. "SHIT!" I was going to fall. Nawalan ako ng balanse.

Sinapo niya ang likod ko at naudlot ang pagkakahulog ko sa sahig dito sa harap ng convenience store. "Say, thank you, Master." he amusingly smiled at me while holding my back. He seems to enjoy what is happening, but I don't. "You look really familiar,"

Tumayo na ako nang maayos at pinagpag ko ang likod ko para maalis na ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya. "Who am I then?" kung kilala niya ako ay masasagot niya ang tanong ko.

"My future girlfriend." he said and smiled.

Hindi talaga maayos kausap 'to. Lalo lang akong nainis at inirapan siya.

Hindi ko na tuloy alam kung nasaan na sina Pola at kailangan ko pa silang kitain. "Mukhang inis ka, saan ka ba pupunta?" umayos siya ng tayo at parang tao niya na akong kinausap.

"Haze." maikli kong sagot at parang lumiwanag naman ang mukha niya sa sasabihin ko.

"Oh, really?"

I nodded and he smiled again. Parang sira talaga 'to.

"I was about to drive and also go there, my friends are waiting in my car," he looked to the left and I saw an open car with bunch of guys standing and watching us. They seem enjoying the scenario.

Nagsalita ako pero nakatingin pa rin ako sa mga lalaking nakatayo sa sasakyan. "Don't tell me..." hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko ay sumagot na kaagad siya.

"Yes, kanina pa nila ako hinihintay pero wala, e. Tinapon mo ang dala ko." napatingin tuloy ako sa damit niya na ngayon ay basa at pati ang pants niya ay basa rin.

"U-hm.. I'm sorry, right?"

"Parang 'di ka pa sure," he smirked and looked at his friends.

Men.

Pollution.

What are the difference?

Wala akong choice kung hindi sumama kay Sian sa sasakyan niya. Hindi ko alam ang papunta sa Haze at baka kung ano pa ang mangyari sa sa'kin dito. Plus, kaibigan ni Daddy ang erpats niya kaya siguro wala naman mangyayaring masama sa'kin 'pag kasama siya pumunta sa Haze.

Since Sian is going to drive, I opened the door of the backseat, but the two guys are weirdly smiling at
me, "Oops, taken." bumilak pa silang dalawa at sinakop ang buong backseat. Inilahad naman ng isa ang kamay niya paturo sa passenger seat. So, magtatabi pa kami ni Sian? "Single!" hindi ko alam kung ang tinuturo niya ay ang driver's seat o ang passenger seat. Pare-pareho yata silang may sayad sa utak.

Pumasok na ako sa pinto at umupo sa tabi ni Sian. Nadaanan pa namin ang sasakyan ko pero wala nang pag-asa 'yon at dadalhan ko na lang ng gas bukas.

Umikot si Sian sa may bandang XYLO at patuloy lang sa pagda-drive.

"Single! Where are you?" sigaw na tanong naman ng isa sa kanila na tisoy at maganda rin ang katawan. Kanina pa sila nagtatawanan at ngayon sumisigaw pa!

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Where stories live. Discover now