Chapter 6

165 70 4
                                    

Chapter 6

Wala akong alam kung nasaan ako ngayon. Hindi familiar sa akin ang kwartong ito.

Umupo ako mula sa pagkakahiga sa kama.

"Ouch." nabigla ako sa sakit ng ulo ko. Kumikirot pa rin, hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Ang naalala ko lang ay ang pagsabay ko sa tugtog at ang pag-inom ko lang ng tequila.

"Hello?" nagbabaka-sakali akong may tao rito.

Tinignan ko ang katawan ko at nakita kong kumpleto naman ang suot kong damit. Ngunit 'di ko alam kung nasaan ang pouch ko. Nandoon kasi ang cellphone ko.

"Hello"

Wala pa rin akong narinig na tao dito. Hindi ko pa rin matandaan kung paano ako nakarating dito. Dala ba 'to ng ininom ko kagabi?

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto. Lalabas na lang siguro ako dahil mukhang wala namang tao rito.

Akmang bubuksan ko na ang pinto pero bigla itong nabukas kaya na-out of balance ako dahil natulak ako ng pinto.

Napasigaw ako dahil sa nangyari.

Pero bago pa ako tuluyang matumba sa sahig ay sinapo na ako.

Ang familiar ng pangyayari. Nangyari 'to kagabi. Alam kong may ganitong eksena kagabi. At ang amoy ng pabango. Max. I am sure it was him. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang sumapo sa likod ko kagabing natutumba na ako dahil sa pagka-lasing.

"Mateus." Si Mateus ang lalaking nakahawak ngayon sa baywang ko. Malapit na ako sa sahig at unti akong nakahiga ngunit hawak niya ang baywang ko na nagpipigil sa akin para mahulog.

Itinayo niya ako gamit an kamay niya sa likod ko.

How he is here? When he didn't even show up in the club.

"Where am I?" tanong ko sa kaniya.

"First of all, Krisha, I'm so sorry. I went inside the bar so late." he told me while we're still standing near the door. "You're in Cornelius' house. Guest room, to be exact."

"How did I get here? Wala na akong maalala sa nangyari sa akin kagabi." I said.

"Baba ka na muna, Lius' fam is waiting for us downstairs. I will explain what happened later."

Wala na akong choice kung hindi bumaba na lang dahil nakitulog lang naman ako rito. Well, kasalanan ko ba 'yon? Hindi ko naman alam at hindi ko naman pinili na mapunta rito.

Nakita ko ulit ang Mommy ni Lius. Kasama rin namin sa hapag kainan ang bunsong kapatid ni Lius, si Athan, he is 5 years old, I think.

"Tawagin mo na nga si Rio sa kwarto niya, manang." Utos ni Tita Julie, mommy ni Lius. At si Rio naman ay ang 17 years old na kapatid ni Lius, and as far as I know is ang full name ni Rio ay Azarios.

Tahimik kaming kumakain at wala namang mga tanong ang family niya sa akin, na para bang normal lang akong miyembro ng pamilya nila.

Nandito kami ngayon ni Lius at Mat sa may garden nila. Nakaupo kami sa coffee table at kanina ko pa gustong malaman paano ako napadpad dito.

I know it wasn't Mat who held my waist to support mo from not getting out of balance. I know that guy.

"Tell me, Mat. How did I get here?" I asked him for the tenth time.

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Where stories live. Discover now