Chapter 2

279 97 9
                                    

Chapter 2

Nandito kami ngayon sa bahay na pinagawa ni Pola at Bret para sa titirhan nila katapos ng kasal.

Bumisita lang kami dahil tapos na rin ang bahay at nakalagay na rin naman ang mga furnitures, at kulang na lang ang mga design, para madagdagan ng kulay ang bahay nila.

"Kwento mo na kasi, Krish, kung ano nangyari sainyo kahapon" narinig kong sabi ni Dine, short for Geraldine, anak ni Daddy Gerald, sakanila kami madalas tumambay noong college pa man. Lagi kasing maraming handa na pagkain para samin. Miss ko na nga si Aling Heidi e.

Hirap talaga pag adulting, iba-iba na ang nangyayari sa buhay ninyong magkakaibigan.

"Truelalu, Krish. Ano nga ba ang nangyari sainyo kahapon, ha?" isa pa tong si Lexi.

Inexplain ko na sakanila bago pa kami mapunta dito sa bahay nina Pola na nagpa-sorry lang ang tao.

"Nothing important. Nag apologize lang siya sa pagbangga niya sa sasakyan ko." Paliwanag ko ulit sakanila.

Alam kong hindi titigil ang mga 'to hangga't hindi ko kinekwento ang buong detalye, pero kasi naman ayoko na balikan 'yon, nakakailang.

Sobrang awkward lang.

Tumikhim naman ang boses ni Dine na parang pinapahiwatig niya na hindi siya naniniwala. Please tigilan niyo na ako.

"Ehmm.."

"'Yon lang ang nangyari, no more, no less kaya please lang, girls" sabi ko sakanila at tumayo. Napagpasyahan ko na lang mag ikot-ikot dito sa master bedroom.

Infairness, hindi na masama para sa newlyweds ang bahay.

May sarili ding bathroom at napakaganda naman pala talaga nito.

Pumunta ako sa veranda at nakatayo lang ako habang fini-feel ko ang view mula rito.

Grabe, sa dami ng tao na pwede makabangga sa'kin kahapon, bakit siya pa?

Nahihiya ako.

I know, I don't have to feel like that pero kasi, ang awkward. I didn't say anything yesterday. I didn't know what to do.

Narinig kong may mga paa na naglalakad mula sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko sina Dine, Lexi, at Pola na papalapit sa akin.

Nakita ko na naman ang ngiti nila na nakakaloko.

Kukulitin na naman ba nila ako? Ako ang nagsasawa sa kakakulit nila. Ano ba 'tong mga girlfriends kong 'to.

"Okay. Serious na usapan na to, girls, ha?" tumingin siya sa dalawa, at pati na rin sa akin. Pinapahiwatig niya na mag-uusap na kami nang maayos.

"What, now?" tanong ko sakaniya. Dahil kung tungkol 'to kay Max, hindi ako magsasalita at magwwalk-out na lang.

Nagtitigan silang tatlo. Na para bang meron silang pinagusapan bago pa sila pumunta rito.

"Girls, bakit parang wala akong alam?" I asked them. Kasi wala naman talaga akong alam. Ako lang ang mangmang dito.

Humarap silang tatlo sa akin nang sabay-sabay.

"1..." Lexi started counting. 'Di ko talaga sila magets.

"2.....3...."

"MAY DATE KA MAMAYA!" they shouted at the same time.

What the fuck?

Napakunot na lang ako ng noo sa sigaw nila. Kahit anong isip ang gawin ko, wala talaga akong alam sa sinasabi nilang tatlo.

"What are you saying?" I asked them.

Honest Goodbye [COMPLETED] #Wattys2020Where stories live. Discover now