/50/ The Shadow's Identity

Start from the beginning
                                    

Umakyat si Masked Mistress sa isang puno sa pamamagitan ng pagtalon. The assasin turned into a shadow once again at nawala ito sa paligid. Parang nagteleport siya dahil sa isang iglap ay nasa sanga na rin siya ng puno kung nasaan si Masked Mistress. The assasin tried to grab her but she leaped to the next tree. Hinabol siya ng assasin. They are both jumping on the trees. Pilit na hinahabol ng assasin si Masked Mistress but his speed is not an par with hers.


Tumulong na ang elf sa pagtugis kay Masked Mistress. She raised her bow at inasinta si Maksed Mistress ng tatlong arrow sa isang pagtira lamang. But none of the arrows hit her. Sadyang napakabilis ni Masked Mistress. Tumama lang ang mga arrows sa mga sanga ng puno at nawala ang mga itong parang bula. Bumalik ang mga ito sa bow ng elf. Muli niyang inasinta si Masked Mistress but she failed once again.

Kung tutuusin ay pwede namang tumakas na lang si Masked Mistress dahil wala na siyang laban kay Mr. Magnus. Pero imbes na tumakas palayo ay patalon-talon lang siya sa mga puno. She is circling around us. Paikot-ikot lang siya sa open field kung nasaan kami. Desidido talaga siyang kunin ako.

Habang naglalaban ang dalawang naglalakihang pwersa ay lumapit sa akin si Marko. Binuhat niya ako at sabay kaming pumunta kay Lucas na nakatulala. He put me down at ikinabit niya ang kamay ko sa kaniyang balikat.


Si Lucas. Hindi ko mabasa ang ekspresiyon niya. Pinaghalong tuwa, lungkot at galit na hindi ko maintindihan. Hindi ko naman siya masisisi. He was just saved from death. Multiple feelings must be running all over him.

"Leo, itakas mo sila. Bring them back to the academy!" The huge lion roared after hearing what Mr. Magnus said. Its roar woke Lucas up. Parang nahimasmasan siya dahil dun. He stood up by himself like his lost energy came back to him again 


Mabilis na lumapit sa amin ang leon at ibinaba nito ang kaniyang katawan sa lupa.
Ngunit walang ni-isa sa aming tatlo ang gumalaw.

"Ano pa ang tinutunganga n'yo? Sumakay na kayo! Umalis na kayo dito!" sigaw sa amin ni Mr. Magnus. Nang marinig ko iyon ay kaagad akong tumutol sa gustong mangyari ni Mr. Magnus.


"But, Mr. Magnus, hindi ka namin pwedeng iwan dito nang mag-isa!" subok kong sigaw. Hindi namin siya pwedeng iwan dito. Baka kung anong mangyari sa kaniya.

Ako lang naman ang pakay ni Masked Mistress. Pwede kong isuko ang sarili ko kapalit ng kaligtasan nilang tatlo but based on Mr. Magnus' expression, parang handa siyang makipagpatayan mailigtas lang  KAMI. I want to think na ginagawa niya ito dahil nasa peligro rin ang buhay ng anak niyang si Lucas but my feeling says different. My feeling is saying that he is doing this to protect me.

Dahil dito, tutol ako sa desisyon niyang magpaiwan dito. I have this feeling na parang napapalapit na ako sa kasagutang gusto kong malaman. May gusto akong kumpiramahin mula sa kaniya. If he chooses to stay, I'll choose to fight with him then.



Sinubukan kong kumawala mula sa pagkakaakbay kay Marko. Ngunit nang mabitawan niya ako ay natumba lang ako dahil sa labis na panghihina. Kaagad din naman niya akong inalalayang makatayo at muli niyang ikinabit ang braso ko sa leeg niya.

"Go! I can deal with her alone! Umalis na kayo!" halos lumabas na ang mga ugat ni Mr. Magnus sa leeg sa lakas ng kaniyang pagsigaw.


"Hindi. Hindi ka namin iiwan dito Mr. Magnus! I will fight with you!"

"Umalis na kayo, Ester! Magiging pabigat lang kayo sa akin!"

Pansin ko ngang nawawala sa focus si Mr. Magnus. Hindi niya magawang mapatamaan si Masked Mistress dahil binabantayan niyang baka gumawa ng sneak attack si Masked Mistress at kami ang puntiryahin nito lalo pa't paikot-ikot lang siyang tumatalon sa palibot namin.

Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now