CHAPTER 45: Infiltration Plan

2K 108 15
                                    

PRESENT...

AT THE ACADEMY..

Marahas na dinala si Ela sa office ng Headmaster na ginawang tambayan nina Evania Grigor ngayon. She wanted to use her ability but she is cuffed with magic resistant chains. Naririnig niya ang pagkakagulo sa labas, maraming mga kawal ang nagsisitakbuhan and everything looked hectic.

Nakatingin lang kay Evania na kanina pa pabalik-balik ang lakad at mukhang naiinis. Madame had left her here while she went away for the final preparations for the ritual.

"Uuurrgghhh! This is so frustrating" Evania groaned out of anger "Paano ba nila nasira ang barrier?!

Ela smiled secretly. It's amusing to see Evania panicking and angry pero mukhang nahagilap ni Evania si Ela kaya galit itong naglakad palapit sa kanya

"May kinalaman ka ba dito?!" galit nitong sigaw. napapikit si Elafris sa sigaw ng babae at masama itong tiningnan

"Paano ko malalaman?! You ambushed us! sa tingin mo ba may oras pa kami para pag-usapan iyon?!" sigaw nito pabalik

"Don't you dare shout at me you pathetic human! Ang tapang mo pa para pagsinungalingan ako!" akmang sasampalin ni Evania sisi Elafris nguniti nagdilim ang mukha ni Elafris at napalitan ng puro itim ang kanyang mga mata.

"Don't you dare lay a finger on me or I will kill you" Biglang napaatras si Evania. Alam niyang peke si Elafris at may magic resistant chains pero natakot parin siya sa galit nito.

She let out a frustrated scream and stormed out of the room. Tahimik na napangiti si Elafris

"Now, Let's find a way to escape"

--

"We will have three groups." Inilatag ni Aiden ang mapa ng Academy sa lupa. Nasa labas sila ng Academy ngayon medyo malayo sa patrolling area ng mha kawal ni Madame.

"Kaylie and Ash kayo ang support group. Lahat ng makakatakas na bihag ay pupunta sa inyo. You are the ones responsible for treating and protecting them. The wolf pack will help you." Pagpapaliwanag si Aiden. Agad na tumango si Kaylie at Ash

"Logan and Blake, kayo ang primary offense. Together with the ogres trolls and other creatures that could attack. Kayo ang magpapalaya sa mga bihag and you will make a commotion para madistract sila." binilugan ni Aiden ang mga Area ng mapa kung saan may mga bihag "Also, don't forget to rescue our professors and Head Master."

"Me and Selene and the Amazon will secretly infiltrate the Academy. We will rescue our parents and Elafris"

Natahimik ang lahat at hindi magsalita. Nagtaka si Aiden "Why? what's wrong?"

Logan squinted his eyes at him "Grabe pare, finally nagtatagalog ka an rin. Di talaga ako sanay"

Agad na binato ni Aiden sa kanya ang pen na hawak.

"Shut up. Let's get to work."

--

Tahimik na pumasok si Aiden, Selene at iilang amasona sa loob ng Academy. The amazons are known for their swift moves that makes it easier for them to sneak in. They parted ways para madaling mahanap kung nasaan si Elafris at ang kwarto kung nasaan ang mga hari at reyna.

Nasa kanto si Aiden at Selene at sinilip ang isa pang hallway.

"There are five people" sabi ni Aiden "Okay ma'am Selene, I will--"

Hindi natapos ni Aiden ang kanyang sasabihin dahil biglang tumakbo si Selene papunta sa mga kalaban. Agad na kinabahan si Aiden ngunit nagulat sa nakita.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now