CHAPTER 20: Change

7.7K 266 25
                                    

LADY ELAFRIS HALE

people crying. broken buildings. burning wood. dead people.

di ko matanggap ang mga nangyayari. masyadong mabilis ang lahat, I tried to blink back the tears at ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging matatag but everything just seems to all break down. 

isang buwan na ang lumipas at naging tahimik ang lahat but I didn't know that this would happen in an ordinary day, parang kailan lang ay nag family dinner sila sa palasyo kasama ako and it was really fun kaya di ko matanggap na ganito ang mangyayari sa susunod na araw.

"Healer! kailangan kayo dito!"

"9 are still missing from this section."

  nagkakagulo ang mga tao pero eto ako, nakatulala. Ganun din sila Kaylie, sila ang pinaka apektado dahil sa nangyari sa mga magulang nila.

FLASHBACK...

It was a normal day at Vindea, lahat ng tao ay ginagawa ang kani-kanilang mga gawain, naglalaro ang mga bata, maingay sa palengke, at may klase sa  Academy. pero eto kami. nagcracramping para sa mga gawain na malapit na ang deadline, ewan ko ba kung bakit di namin 'to sinimulan nung malayo pa yung deadline.

"Ang hirap naman ng reporting! ayoko na!" singhal ni Logan at pabagsak na humiga sa sofa. nagkakalat ang mga cartolina na nagsisilbing visual aid sa sala at marami ring kalat na balat ng mga junkfoods.

"Kakainis naman yang si Prof Alycia! pwede naman kasing mag powerpoint bakit kailangang isusulat pa"

"Wag ka ngang tatamad tamad, ang dali lang naman ng report mo" sagot ni Tyler habang hindi inaalis ang mata sa laptop, halata ring antok ito dahil sa eyebags, nagmumukhang panda tuloy.

Inabot ko yung chips at binuksan ito pero bigla itong inagaw ni Aiden. 

"You know junk foods are  bad for your health" inismiran ko siya, palibhasa walang ginagawa kasi tapos na siya sa lahat. ang weird nga niya bigla biglang naging mabait saakin, masungit pero mabait but it creeps me out.

"Ang dali para sayo kasi nerd ka" sagot pabalik ni Logan. "Teka, ano nga ba yang ginagawa mo?"

"mga articles na dapat kong i-edit para sa school paper. deadline na mamaya" sagot nito with eyes still on the screen. I eyed on Kaylie and Ash sleeping peacefully on the floor, pagod na pagod siguro. wala pa kaming tulog mula kahapon pagdating namin mula sa palasyo para sa family dinner dahil sa mga gawain.

Napangiti akong pinagmasdan ang mga kaibigan ko, ang swerte ko sa kanila, sobra. Si Jayden na nagsusulat sa mesa, si Blake na nagluluto sa kusina, si Tyler na nag ta-type, si Logan na nakahandusay sa sofa, si Ash at Kaylie na natutulog tapos si Aiden. Si Aiden na walang ibang ginawa kundi tumitig, kanina pa ako naiilang tapos minsan inaamoy pa yung buhok ko, siyempre nagsisitayuan yung mga balahibo ko.

binalik ko ang atensyon ko sa essay na ginagawa ko. naiiyak ako sa inis dahil wala akong maisip, as in walang pumapasok sa utak ko. napatigil ako ng may pumasok sa isip ko, isang buwan na simula nung nangyari sa cr at laking pasasalamat ko kasi nakakatulog na ako ng mahimbing. Sana lang ay tuloy tuloy na ito, hindi rin nagsalita si Aiden tungkol sa nangyari, buti naman kasi ayaw kong mag-alala pa sila.

kahit ganito nalang palagi, sana di na 'to matapos pa.

pero naglaho ang kaunting pag asa na iyon nung may sunod sunod na malalakas na pagsabog ang nangyari sa labas. agad kaming nagsitakbuhan para tingnan ang nangyari at ako ang nagbukas ng biglang may malaking batong lumilipad palapit saamin, mabuti nalang at nahigit ako ni Aiden. tumalsik kaming lahat dahil sa impact at nakita kong dilat na dilat na si Ash at Kaylie

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEDär berättelser lever. Upptäck nu