CHAPTER 10: Aida and Blare

15.1K 623 199
                                    


LADY ELAFRIS HALE

"Hello ma?"

"Hi anak! andito na ako, nasan ka na?"

"nasa department store po kami ng mga kaibigan ko, you know, girl things hehehe"

"Ah, sige punta ako diyan. nasa woman's section kayo diba?"

"Of course po, alangan naman po sa men's section eh mga babae naman po kasama ko"

"oo nga diba? haha. sige, see you baby!"

"Okay po, love you"

agad kong binaba ang cellphone ko at lumingon sa dalawang katabi ko na mukhang naiinip at naiinis "Wow, hindi talaga obvious na may tinatago ka" sarcastic na sabi ni Blake saakin.

Hindi parin ako sanay na ganyan ang mga boses nila, para talaga silang babae. Buti nalang at nakahingi ako kanina ng potion na nagpapaiba ng boses, konting make up lang naman ang ginawa ko pero ang ganda talaga nila, nakaka insecure tuloy!

"You are really going to pay for this Lady" banta ni Aiden, ngumiti nalang ako. sa kanilang dalwa kasi si Aiden yung pinakamahirap suyuin tapos ang likot likot pang pinamake up-an

FLASHBACK:

"Guys! tulungan niyo ako sige na please!" nakayakap ako sa dalawang binti nila at hindi bumibitaw. ayokong mag let go dahil ito lang yung chance ko!

"Fris naman, kaya kita tulungan sa kahit anong paraan-"

"Kaya nga eh! tulungan mo na ako! eto lang naman yun eh! maliit na bagay!" nguy-nguy ko kahit nagkakahila hila na ako dito sa sahig

"yun nga ang problema eh! kahit anong paraan, wag lang ito kasi masyado nang mahirap!" bigla akong niyugyog ni Aiden but I have to stay strong! hindi ako bibitiw! think positive! walang aayaw! think positive!

"Let go Lady! it's not even a small favor anymore! our manliness will be stained!" inis na sigaw ni Aiden at nagatuloy sila sa paglalakad eh halata namang nahihirapan sila.

"Mas importante pa ba ang manliness kesa sa sitwasyon ko ngayon?! kung malaman ni mama na andito ako, I'm done for!"

"That's not our problem anymore!"

"Elafris naman, sobra naman yata 'to"

I finally let go at tumayo ng maayos, how pathetic was I to think na importante ako sa kanila. napatawa ako ng mapait, ang ambisyosa ko naman, kakikilala palang nila sakin tapos mag-aassume agad ako na takot silang mawala ako.

"EDI SORRY! SORRY KUNG PABIGAT AKO! SORRY KUNG NAKAKAWALA AKO NG MANILINESS NIYO! WAG KAYONG MAG-ALALA AALIS NA TALAGA AKO DITO! CHE!"

with that tumakbo ako papasok ng kwarto at dun nagkulong, nagsearch ako ng magagandang dress. napahagikhik ako knowing na may kakatok sa pintuan ko within a minute. Oo na, kakapalan ko na mukha ko pero malay mo diba? baka effective.

Totoong medyo nahurt ako pero kakapalan ko lang muna ang mukha ko ngayon, I don't want to leave the place that made me feel like home. Selfish lang muna ako ngayon, kahit ngayon lang.

napaupo ako ng maayos nung makarinig ako ng katok, See? I told you!

"Fris, sorry na. wag ka nang magtampo oh!"

"yeah, sorry for being a jerk. don't leave, eventhough you're annoying and selfish and stupi-"

"Hoy! nagsosorry ka o nang-iinsulto!?" inis na sigaw ko, walang hiya 'to "I'm sorry okay?!"

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now