CHAPTER 1: Meeting Blood Empire

31.8K 1K 143
                                    

LADY ELAFRIS HALE

kasalukuyan akong naghahanda ng mga damit papunta sa bago kong school. excited na talaga ako, hindi na ako mapakali kaya hindi ko natutupi ng maayos ang mga damit na nakahanger pag ipinapasok ko na siya sa maleta.

mom calling

"Hello ma?"

"Naghahanda ka na ba anak?"

"Opo, aalis na po ako ilang sandali nalang"

"mag-iingat ka dun ah?"

"Opo naman, ikaw rin."

nagkaroon ng panandaliang katahimikan dahil hindi sumagot si mama, kumunot ang noo ko

"Ma?"

"A-ah sige anak, andito na ang mga investors. call me when you arrive at the university okay?"

"Yes mom, love you"

"Love you too"

pinatay ko na yung phone ko at ipinasok sa bag ko, kinuha ko na ang maleta ko. this is it, tiningnan ko ang buo kong kwarto bago ako lumabas kung saan naghihintay si manong Bernie.

matagal na namin siyang driver at since wala si mama dito sa Pilipinas mga katulong na nag nag alaga saakin, umuuwi naman siya from time to time pero madalang lang.

Wala akong ama kaya mag-isa lang akong pinalaki ni mama, not literally kasi palagi siyang wala. pero naiintindihan ko naman siya, this is all for my own good.

Tinulungan ako ni Manong Bernie na ilagay ang maleta ko sa likod ng kotse at hinatid na ako sa All Girl's University na papasukan ko. nung makababa na ako, nagpaalam na ako at hinintay ko muna siyang umalis

nung nakita kong wala na siya ay mabilis kong tinawagan ang bestfriend ko, si Kaylie Hollows.

"Hello?"

"Uy! andito na ako! nasaan ka na ba?!"

"Teka, nasa loob ako ng kotse--manong pakipunta sa front gate"

"hihintayin kita dito bye!"

medyo malayo pa ay tanaw ko na ang kotse na sinasakyan ng bestfriend ko, mabilis siyang bumaba, kumunot ang noo niya. Napangisi nalang ako sa kanya. Nakatali ang mahaba at itim niyang buhok na lumilitaw ang kulay sa maputi niyang kompleksyon. Nakasuot siya ng simpleng shorts at sweatshirt pero parang pang runway pa rin yung dating.

Lumapit siya sa akin at tinulungan akong ilagay sa likod ng kotse yung maleta.

"Sure ka na ba sa gagawin mo? ha Elafris?" tanong niya agad nung sinara ko na yung pintuan nung makapasok kami sa kotse.

"You know I'm ready Kaylie" sabi ko sa kanya na puno ng determinasyon. Nagbuntong-hininga nalang siya

"Uhh ma'am, saan po ba tayo pupunta?" napalingon kami nung nagtanong si manong, mukhang kanina pa siyang nakikinig sa amin at tiningnan ako na para bang gumagawa ako ng masama. 

"Sa bahay namin" maiksing sagot ni Kaylie. sinunod naman ni manong, lumingon ulit si Kaylie saakin at tinitigan ako ng mariin.

"What?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sigurado ka na ba talaga diyan sa gagawin mo?"  panigurado niyang tanong.

I rolled my eyes

 "Oo nga sabi eh! kulit neto"

"paano pag malaman 'to ni tita?" humarap ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay "Pag ako pagalitan ha. Hindi ako kasama sa mga plano mo sa buhay Elafris ha."

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now