CHAPTER 11: Examination Day

12.5K 472 134
                                    

LADY ELAFRIS HALE

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa naglalakihang pinto ng gym/arena. Ito na kasi yun eh, ito na ang araw na ipapakita ko ang lahat ng makakaya ko. Yung bunga ng araw araw kong training at lahat ng sakit ko sa katawan, lecheng mga mentors yun at pinahirapan ako.

tumingin ako sa kamay kong may mga pasa pero hindi na ito masyadong kita kasi gumagaling na, naikuyom ko ang kamao ko nung naalala ko yung mga salitang sinabi ni Aiden saakin. naiinis ako sa kanya, inis na inis!

FLASHBACK

pumasok ako sa dorm na basang basa dahil sa training namin ni Blake. siya yung nagturo saakin na controlin ang ability ko, kung paano kumontrol ng  tubig. marami akong natutunan pero hindi pa ako ganoong kahasa dahil isang araw palang. 

natatakot ako, natatakot ako na hindi makapasa. alam kong hindi ako ganoon kagaling pagdating sa pagkokontrol sa ability pero kailangan kong magtry.

dumeretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig, gabi na at tulog na ang lahat. nahuli lang naman ako dahil nagpractice pa ako.

"Did you enjoy?" tumingin ako kay Aiden na nakaupo sa mesa. "Enjoy sa ano?" tanong ko pabalik, tinaasan niya ako ng kilay  at ngumisi

"Training with handsome boys." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, anong handsome boys? si Blake? si Logan? juskopo, wag nalang. "Ano ba yang pinagsasabi mo?"

medyo naiinis kong singhal sa kanya, antok na antok na kasi ako tapos pagod pa tapos gusto ko nang magbihis, malamig na kaya tapos may training pa ulit ako bukas.

"Why are you here? is your ability the only reason?" lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, medyo nakaka offend siya ah. anong naman ang iba pang rason bukod don? at bakit pa ba niya ako pinagdududahan? akala ko ba okay na kami? nagpapanggap lang ba siya na tanggap na niya ako?

 "Ano pa ba?"

nilagay ko na ang baso sa sink at tumingin sa kanya "Alam mo kung aawayin mo lang ako ngayon, ipagpabukas mo nalang dahil pagod ako ngayon" hindi masama ang ugali ko pero sana maintindihan niya na pagod ako at wala akong ganang makipag away sa kanya.

"You'll never make it" napatingin ako sa kanya "Trust me when I say this but you are not going to pass the exam"

biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya "Bakit ba?! sino ka ba para sabihin yan?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napagtaasan ko siya ng boses pero hindi siya mukhang apektado, basta basta nalang siyang tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya.

tinawag ko siya pero hindi na siya lumingon pa, umakyat nalang ako sa kwarto ko at nagbihis tapos natulog.

FLASHBACK ENDS

bumukas ang pinto, hudyat na papasok na lahat ng mga estudyante sa loob ng arena, napapalibutan ito ng nakakasilaw na ilaw at marami, raming tao. yung iba ay mga studyanteng naghihintay para sa terno nila. 

bigla akong kinabahan, hindi pa talaga ako prepared na mag exam

Di kalayuan ay nakita ko ang malaking mesa kung saan nakaupo ang mga judges. kumunot ang noo ko dahil ang ineexpect ko ay mga nakakatakot at nakaka-kabang mga katauhan pero iba 'to eh. parang normal lang silang magkakaibigan na nag uusap usap, tapos nakita ko din si Tita Lean na nakatayo sa mesa at todo cheer. natawa ako, pinapababa na siya ni tito Flame kasi baka malaglag.

"What the fck" napalingon ako at nakita ko si Aiden na tinatakpan ang mukha niya dahil sa kahihiyan. I just rolled my eyes. hindi talaga kami in good terms dahil nung nagtraining kami kahapon ay iniinis nanaman niya ako.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now