CHAPTER 44: Selene Hale

4K 175 13
                                    

TWO DAYS AGO...

THIRD PERSON'S POV

Napadaing si Logan sa sakit ng kanyang katawan pagkagising niya. Hindi niya alam kung nasaan siya ta kung ano ang nangyayari. Agad niyang pinagmasdan ang kanyang kapaligiran at dahan-dahan na umupo.

Nasa loob siya ng isang kubo at biglang kumunot ang noo niya nang may maalala. May pumasok na isang matandang babae na may dala-dalang tray na may mga gamot. 

"Merida!" gulat na sabi ni Logan sa bagong dating. Naalala na niya ang lahat, si Merida ang tumulong sa kanila pagkatapos nilang pakipaglaban sa mga bampira.

Bigla din niyang naalala si Kaylie at biglang tumayo ngunit biglang umitim ang lahat at nakaramdam siya ng pagkahilo. Inalalayan siya ni Merida na makabalik sa pagkakaupo.

"Wag ka munang gumalaw, kitang hindi pa kaya ng katawan mo" masungit nitong sabi kay Logan. 

"S-si Kaylie? yung kapatid ko? kumusta na siya?" nag-aalala nitong tanong. Bigla namang pumasok ang isang babae na may bandage pa sa ulo.

"Kuya!" masaya nitong sabi at mabilis na yumakap kay Logan. Napadaing si Logan kaya naman hinampas ni Merida si Kaylie ng mga tuyong dahon.

"Sabi nang wag magpadalos-dalos! hindi pa magaling kuya mo!" galit niyang sabi sa dalaga. Napahawak si Kaylie sa likod ng ulo niya at alanganin na napatawa.

"Ay, oo pala. pasensya na hehe--Hala! Kuya bakit ka umiiyak?! may masakit pa ba sayo?!" Gulat na tanong ni Kaylie sa kanyang kuya pagkatapos na makita itong umiiyak.

"A-akala ko wala ka na. Natakot ako, baka mawala yung nag iisa kong kapatid" hikbi ng hikbi si Logan. Akala ni Logan ay yayakapin siya ng kapatid ngunit tiningnan lang siya nito nang parang nandidiri.

"Kuya kadiri ka"

"Bakit ba?! Ang sama mo!" galit na sagot ni Logan kay Kaylie "Dapat pala di na kita iniyakan!" pagkatapos ay pinahiran lahat ng luha sa kanyang mukha.

Natahimik si Kaylie kaya tiningnan ni Logan kung ano ang reaction nito, nagulat siya sa biglang pagdilim ng mukha ni Kaylie.

"Don't ever risk your life like that again" malamig nitong sabi at agad na yinakap ang kapatid "Hindi ko alam ang gagawin ko pag nagising ako at wala ka na. Aside sa hindi ako mapapatawad nila mama wala nang magbibigay ng allowance sakin!" Hagulgol nito

Nagulat si Logan at napairap ngunit niyakap niya ang kapatid niya pabalik. Tahimik na napangiti si Merida sa ginagawa ng magkapatid.

"osya, lumabas na kayo dahil madidisturbo ang isa pang pasyente." sabi nI Merida at inilapag ang mga tuyong dahon, potion at mga bagong bandage. Nilingon ni Logan kung ang nakahiga sa kabilang kama at nagulat sa nakita.

"Tyler" bulong niya sa sarili. Wala itong malay at maputla, bigla siyang kinabahan "A-ano ang nangyari sa kanya?" 

Malungkot na yumuko si Merida.

"Sabi ng babaeng nagligtas sa inyo, Tinamaan siya ng babaeng kaibigan niyo." Biglang nanigas ang katawan ni Logan. Sinong kaibigan? sino ang gagawa ng ganito kay Tyler?

"Si Ela kuya" malungkot na sabi ni Kaylie. Hindi maintindihan ni Logan ang nangyayari kaya pinaliwanag ni Kaylie sa kanya

"When you lost consciousness, Eris took over Elafris at sumama daw siya sa mga kalaban"

Nanlaki ang mga mata ni Logan at hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Binalik niya ang kanyang tingin kay Tyler.

"B-bakit?" Hindi makagalaw si Logan sa kanyang kinauupuan. Parang pinagsuklaban siya ng langit at lupa.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now