Chapter 14: Birthday Party

8.9K 393 30
                                    

LADY ELAFRIS HALE

Lahat ng tao dito sa bayan ay busy dahil ngayon magaganap ang anniversary nina tita Lean at Tito Flame. Nasuspend din ang klase para lahat ay makapaghanda, lahat rin ay imbitado dahil bongga ang 20th anniversary nila.

Napahanga nila ako, kahit kailan hindi sila nagsawa sa isa't isa at patuloy paring nagmamahalan. 

"Oy Fris, tingnan mo nga 'to, bagay ba?" tanong ni Kaylie saakin at pinakita ang isang kulay pink na cocktail dress, tumango ako kasi bagay rin naman sa kanya, ang cute niyang tingnan. ngumuso siya "Hindi kaya, masyadong puffy" umiling nalang ako, nagtanong tapos ganyan psh.

nagsimula akong magtingin-tingin sa mga damit dito sa boutique na pinasukan namin, may mga damit din na ginamitan ng mahika tulad nung nag iiba ang kulay depende sa mood ng sumusuot tapos may nagtatahi pa sa gilid nung boutique, yung nga lang walang nagtatahi, nagkukusa lang ang mga kagamitan.

"Pumili ka ng kulay puti para matchy matchy tayooo!" excited na sabi ni kaylie habang tumitingin sa mga dress na nasa color white na portion, lumapit namana ko sa kanya at nagtitingin tingin din

"teka, bat ka bumibili sa mumurahing boutique-" napatigil ako sa pagsasalita at lumingon sa tinderang nakataray saamin, ngumiti ako at humngi ng paumanhin at bumalik sa pagkakalingon kay Kaylie "Bat ka bumibili kung pwede ka namang magpatahi sa mga bonggang designers?" 

ngumiti siya ng alanganin saakin "Grounded ako, sabi kasi ni daddy masyado akong magastos kaya limited lang yung pera ko, hehe. training na rin daw yun para matutunan ko ang pagpapahalaga ng pera bla bla bla."

umiling nalang ako at natawa "Ang gastos mo kasi masyado, kahit ano ng makikita mo na maganda sa paningin mo bibilhin mo" nung isang time pumunta kami dito sa town proper may nakita lang na magandang design ng potholder binili lahat, ano naman yung gagawin namin sa benteng pot holder? pinagalitan siya nung kuya niya non.

ngumuso siya at nagpatuloy nalang sa pagpili. Habang nagtitingin tingin ako sa mga damit, may nakita akong maganda, simple lang siya at lace ang pang itaas, l;ong sleeves din at parehong cocktail. kinuha ko ito at sinukat.

Nung makita ko ang itsura ko sa salim ay agad akong nakuntento, eto yung bibilhin ko. nung lumabas na ako ay nakta ko si Kaylie na may hawak hawak na paper bag, kumunot agad ang noo ko

"Akala ko ba di ka pa nakakapili?" ngumisi siya "may nakita kasi agad ako na maganda kaya kinuha ko na. baka pa makuha nung iba mahirap na"

Nilagay ko yung dress sa counter "Eh at di ka parin umaamin kay Ash? sige ka baka makuha ng iba" sabi ko sabay kindat sa kanya, nginusuan lang niya ako.

"Eto na miss" bigay nung ate tapos tinarayan uli ako, hala nagalit ata hahahaha. sabay kaming lumabas ni Kaylie nung may nabunggo akong babae na kaedad lang yata namin

"Ay sorry po ate, tinuak kasi ako netong kasama ko" paghingi niya ng paumanhin "Hala naaa, dinamay pa ako wag ka nga psh" sabay walk out nung kasama niya, lumingon naman yung mga kasama niya sa kanya saka siya hinabol nung isa pa

"Sorry po talaga ate" tumango ako at numiti "Ayos lang" ngumiti din siya at bumaling sa mga kasama niya, nilapitan siya nung isa pang lalaki na mukhang pilyo "Halika na Abby"

hinila siya nito kaya di ko na sila nakita pa, nagkatinginan kami ni Kaylie at nagkibit balikat na lang.

"San na nga ba tayo?" tanong ko kay Kaylie, nag isip siya saglit at lumiwanag ang mukha. Tiningnan niya ang orasan niya "Okay, 4 na at 6 magsisimula yung party. tara na, may alam akong parlor"

Hinila niya ako at pumunta sa isang lugar, habang naglalakad kami may nakakasalubong akong taong nakacloak at yung kakaiba ay paulit ulit ko itong nakakasalubong, di ko naman maaninag ang mukha pero pare-parehong cloak na nakikita ko. 

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now