CHAPTER 5: Spellbound

15.3K 668 41
                                    


LADY ELAFRIS HALE

My head was pounding with pain. Napangiwi ako sa pagkahilo at dahan-dahang minulat ang mga mata ko. Naalala ko agad ang nangyari kahapon at napunta ang mga kamay ko sa aking leeg. 

I hissed at the pain at mabilis na tumakbo palapit sa salamin, napasimangot ako ng makita ang pasa na naghuhugis ng dalawang kamay pero hindi na ito masyadong halata. 

Thank Vindea for Healers.

 Nakaramdam agad ako ng takot at tumakbo pababa, I saw them talking to each other with serious looks at bago paman nila ako makita ay tumago muna ako sa may hagdanan.

"Hindi pa sila nakuntento sa mga Fiarae na napatay nila at patuloy parin silang naghahasik ng lagim"

"Ano nanaman kaya ang pakay nila? Hindi pa talaga sila makapag move on?! I mean, mag isa na ang Vindora at Zaldea bakit kailangan pang mag away-away?!"

"I don't know pero kailangan tong malaman nina tita"

"Tyler and Blake are on their way"

Dahan-dahan na akong lumabas, at nakita ako ni Kaylie na mabilis na lumapit saakin, She cupped my face and checked my neck. She had worry all over her face.

"Okay ka na ba? Sorry talaga I wish I didn't leave you there" yinakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya, I told her that it's not her fault.

"Okay lang ako, ano ka ba" ngumiti ako sa kanya at lumapit sa iba naming kasamahan.

"Are you sure you're okay? Bakit namumutla ka?" tanong saakin ni Jayden, lahat naman ng atensyon napunta saakin.

"Tanga ka ba?! Siyempre namumutla kasi natatakot!" sagot naman ni Logan kay Jayden kaya tiningnan siya nito ng masama.

"Ano ba yung nangyari sa halimaw na nakacloak?" tanong ko, Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan ako ng malay. I just hope everything went smoothly at wala nang nasaktan.

"I killed it" simpleng sagot ni Aiden pero kinabahan ako bigla, bakit ba ang dali-dali lang para sa kanya na sabihin ang I killed it.

"S-so sino ba sa inyo ang makakapagsabi kung ano yun?" utal kong tanong, hindi ako mapakali dahil sa sinabi ni Aiden.

"Years ago, War broke between Zaldea and Vindora. Queen Lisanna was the one who was brave enough to kill Doyle, yung psychotic na kapatid ng lolo ni Aiden" sabi Blake at napalingon kay Aiden, agad siyang lumingon sa amin at tumikhim. "Zaldea was under a dark reign for a very long time. And some of them still couldn't get over their behavior. They attack Fiaraes randomly kaya palaging may mga nakapatrol sa lugar."

I've learned that in one of the history classes na tinuturo ni professor Alycia. I didn't know why I was unlucky enough para mabiktima ng ganun.

"Why didn't they just choose to accept it?" tanong ko. Napatawa at napailing si Ash.

"You can't just choose your fate Elafris," sabi niya "Sometimes, we just have to accept that our future is like that. Planned, permanent."

Kumunot ang noo ko, how can someone's fate be permanent. You can change it if you really want to.

"It's fun anyway" I gawked at Jayden, mukhang mahilig talaga sila sa mga laban at patayan. umiling nalang ako at napaisip, I felt so weak ni hindi ko naman lang naipagtanggol ang sarili ko sa halimaw na yun.

Water manipulator pa more. 

Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko, napatingin ako sa labas ng bintana.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now