CHAPTER 17: Unexplained Memories

2K 115 3
                                    

LADY ELAFRIS HALE

"AHHHHHHHH!" Napabalikwas ako ng bangon, umiiyak ng umiiyak. It's the first time I broke down in ages. bigla ko ring narinig ang kalabog ng pinto at isa isang pumasok ang mga kasama ko dito sa bahay. 

When I saw Kaylie, I hugged her tight and cried hoping na mawala ang takot na nararamdaman ko.

my hands were trembling at pinagpapawisan ako ng malamig, I clung unto Kaylie like she was the only one to keep me alive. Lahat sila nakatayo lang dun, nakatingin lang sa amin habang pinapatahan ako ni Kaylie pero hindi ko kayang kumalma, Natatakot ako ng husto.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak pero nandoon lang sila, hindi sila nagtanong kung bakit ako naging ganoon, They just stood there and watched me. Sa bawat hikbi ko ay nirespeto nila ang katahimikang gusto ko.

The room was filled with silence and my sobs were the only thing I heard but I didn't feel alone because I knew, I knew that they were there to protect me. Nakaramdam ako ng pagbigat ng aking mga mata and I drifted into darkness.

JAYDEN SILVERCAST

Mahimbing kaming natutulog sa sarili naming mga kwarto pero agad kaming napabangon nung marinig ang sigaw ni Elafris. Hindi na ako nagbother na magsuot ng pang itaas at pantalon dahil sa pagmamadali. Pagkalabas ko ng kwarto ay nasa labas narin ang iba, wala ring mga pang itaas maliban kay Ash, nagkatinginan kami at nagmadaling pumasok sa kwarto ni Elafris.

Nahuling pumasok si Kaylie na isa lang ang suot na tsinelas at mabilis na tumakbo kay Elafris. Mukhang nagkaroon siya ng masamang panaginip at bigla nalang nagsisigaw. I've never seen her look so scared and It's the first time I saw her cry.

Maibigat na hinga ang pinakawalan namin, I thought something happened. Umiyak lang siya ng umiyak buong magdamag at hindi namin magawang gumalaw. masyadong kakaibang pangyayari ito at hindi namin alam ang dahilan.

Alam kong kating-kati na si Logan na magtanong pero pilit niya itong pinipigilan dahil sa pagkakatakot ni Elafris pero nirerespeto niya dahil takot na takot si Elafris ngayon.

Nung matahimik na ang lahat at nakatulog na si Elafris ay umalis na kami sa kwarto

"Kuya, dito lang muna ako. tatabihan ko si Ella, baka may mangyari ulit"

sabay sabay kaming bumaba at umupo sa hapagkainan.

"it's the first time she woke up in 5 days" pagbasag ni Tyler sa katahimikan, maigi naman silang sumangayon. "Ano kaya ang naging panaginip niya na nakapagpatakot sa kanya ng husto?"

"Maybe it was her mom" saad ni Blake "baka nanaginip siya na may masamang nangyari sa ina niya"

"O baka naman nag iwan ng masamang alaala or trauma ang nangyari sa exam?" dagdag ni Ash.

"Hindi naman yata ganon kababaw ang dahilan. You saw her face, alam nating hindi lang yun ang rason kung bakit siya nagka ganun" sagot ni Blake habang kumukuha ng tubig

Tama si Blake, hindi ganon kababaw si Elafris para matakot ng husto. Kung iisipin mo ng maigi may mga bagay na hindi pa namin alam kay Elafris, maybe there are memories that seem to haunt her.

"Maybe the poison in the arrow made hallucinations that made her remember the darkest parts of her mind." natahimik kami bigla sa sinabi ni Aiden. He has a point though. He has experiences with nightmares since his mom would experience it too.

Madalang lang bumukas ang bibig ni Aiden pero pag bumukas naman 'to lahat ay may sense. In short, witty.

"Teka, Now that you've thought of it" napahawak si Logan sa kanyang baba, kumunot ang kanyang noo na para bang may inaala na sobrang seryoso.

lahat naman kami ay naghintay sa sasabihin niya. nanlaki ang mga mata niya at tila may naalala, napayakap siya sa kanyang sarili at tiningnan kami isa isa, nagkaroon din ng tensyon sa paligid at lahat ay nakatingin sa kanya.

"Kaya pala ang lamig dahil wala tayong mga suot. maeexpose ang mga hot bodies natin!" We all groaned. kung si Aiden ay madalang pero matalinong magsalita, eto naman ay putak ng putak pero walang sense kausap.

"Logan, utak mo may ubo." Inis na sabi ni Tyler sa kanya at umakyat papunta sa kanyang kwarto para matulog ulit.

Titingnan ko sana kung ano yung reaksyon ni Aiden pero bigla siya nawala. 

"Teka, nasan ba nagpunta si Aiden?" tanong ni Blake.

KAYLIE HOLLOWS

Napahikbi ako habang tinitingnan ang namumutlang mukha ng bestfriend ko. kailan kaya siya magiging okay? limang araw na eh. kung hindi dahil sa kanya, saakin tatama ang arrow. para sakin yun pero siya ang sumalo.

hinaplos ko ang noo niyang may butil butil na pawis at pinunasan ko rin ang pisngi niyang may luha pa. kawawa naman siya, sana di ko nalang siya dinala dito. It would be safer for her.

Naiinis ako sa sarili ko, she always gets in trouble because of me. dahil saakin pinapagalitan siya ng mommy niya, ng dahil sa mahilig akong maglaro o maglakwatsa hindi siya nakakapag aral kaya pinapagalitan siya palagi. yung mga kasalanan na dapat sakin, siya yung nagsosorry, yung mga panahong kailangan ko siya nandiyan siya palagi pero nung kailangan niya ako? wala ako dun and I really hate myself for that.

She doesn't deserve this and she doesn't deserve to hate herself because of what others think of her. Siya lang yung naging kaibigan ko kasi lahat sila ang habol saakin ay pera o di kaya ang mga kuya ko. nung nalaman niyang mga kuya ko ang blood empire wala siya naging reaksyon kaya automatic na bestfriend kami, She was invisible then, She liked being my shadow.

"Ella, Sorry ah? promise proprotektahan kita. ayokong mawala ka"

"Don't you think you're overreacting?" napalingon ako sa pinto kung saan nakasandal si Kuya Aiden "She just got shot and everyone's thinking that she'll die soon. don't you think it's a little too dramatic?"

tiningnan ko siya ng masama saka suminghot at pinunasan ang mga luha na lumandas mula sa mga mata ko. naglakad siya palapit sa lugar kung saan nakahiga si Ela. saka niya ito tiningnan ng mabuti.

"Why is everyone trying so hard to protect her? why are they so worried? she's just the keeper of the book. not anything else, I don't see anything special about her."

Tiningnan ko ng maigi ang mga mata ni Kuya. I don't think he is saying what his heart says, he's just following his mind.

"Alam nating dalawa na hindi ganoon ang iniisip mo." He paused for a bit "Kuya she's so kind and so pure and it's not that hard to like her."

"She can be dumb sometimes but that's what make her so adorable. Why are you holding back?" tanong ko sa kanya, instant realization came across his eyes alam niyang alam ko.

"Hindi mo kailangang lumayo. Why can't you just open up to her? ang bait niya sayo pero kung tratuhin mo siya ay parang wala lang siya sayo. What's holding you back? alam kong gusto mo rin siyang protektahan but why? medyo ayos naman kayo nung una but why did you become so distant to her?"

ngumisi lang siya at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng sweatpants niya.

"I don't trust her"

I rolled my eyes. as if. tumalikod siya at nagsimulang maglakad palabas.

"Kuya magsuot nga kayo ng pang itaas jusme akala niyo naman mga hot kayo pwe!" pahabol kong sigaw. 

Si Ash lang kaya yung hot sa kanilang lahat kahit nakasando lang iyon ng pororo omg hihihi.

"Narinig namin yon!" rinig kong sigaw pabalik. "Si Ash lang naman yung hot sa paningin mo!"

"gago!"

Bigla akong namula, grabe talaga.

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now