CHAPTER 22:Curse

7.5K 273 33
                                    

BLAKE FLETCHER

"Blake gising."

"Gising  Blake."

"Urrgghhh" dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko nang may naaninag akong hugis ng tao

"Blake!"

"tngina!" napatalon ako palayo nung makita nag mukha ni Logan na malapit sa mukha ko, hinatak ko ang kumot palapit saakin at tinabunan ang katawan ko

"takte naman Logan, pinagnanasaan mo ba ako?!" di ko makapaniwalang tanong, kumunot naman ang noo niya. "I'm crazy for girls dude. kadiri ka."

lumayo siya saakin at umupo sa kabilang dulo ng higaan. Nasa pangalawang palapag ako natutulog sa triple deck tapos sa third si Aiden at nasa first naman si Ash na mahimbing na natutulog, sina jayden nasa isa pang triple deck. tapos magkatabi si Elafris at si Kaylie sa malaking higaan na napapaitan ng dalwang triple deck.

"Samahan mo kong mag cr" biglang sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin "nababakla ka na ba Logan? kaya mo na yang mag isa, wag mo na akong istorbohin" inis kong singhal at nagtalukbong ng kumot

"Di ako natatakot, gago ka na ba? di ko alam kung nasan yung cr samahan moko sige na"

inis akong napaupo at tiningnan siya ng masama "Arrgghh!" nagpadyak padyak ako at inis na ginulo ang buhok ko. tumalon narin ako pababa at siya nama'y gumamit ng hagdan.

"Ano ba yan ang bagal, bilisan mo" inis kong bulong dahil matagal siyang magsuot ng Tshirt at tsinelas. "Kunin mo na rin yung flashlight dun sa gilid"

"Blake? san kayo pupunta?" napalingon ako kay Elafris na nakaupo at kinukusot ang mga mata. mukhang nagising siya dahil sa ingay namin ni Logan.

takte ang cute.

"Sinasamahan ko lang si Logan mag cr. babalik kami agad" sagot ko, tumango siya at humikab "Sige, ingat kayo. balik agad" pagkatapos ay bumalik ulit ng higa. 

napailing nalang ako at napangiti.

"Oh tapos na ako, leggo" 

Paglabas namin ay binati kami ng malamig na simoy ng hangin, pareho kaming napayakap sa aming sarili.

"bweset ang lamig" bulong ni Logan, naglakad lakad kami at nadaanan namin ang mga tent, bukod sa mga guard na naglilibot libot na pilit namin pinagtataguan ay wala na kaming iba pang makita na nasa labas, sabagay ay alas tres palang ng umaga.

"Gusto ko nang makita sila mommy, naaawa na rin ako kay Kaylie" biglang sabi ni Logan na nakatingin lang sa dinadaanan namin. bigla akong nakaramdam ng lungkot "Ako rin naman. miss ko na yung nanay ko kahit ang sungit nun"

huminga si Logan ng malalim habang pinapadyakan ang mga batong nadadaanan niya "Wala rin namang magagawa ang lungkot at luha natin, di naman nun mababalik ang mga magulang natin kaya kailangan talaga nating mahanap ang cure."

sumangayon ako kay Logan. Kailangan naming magpalakas para namin sa kanila at sa buong Vindea. 

"T-teka, eto na ba yung cr?" tiningnan ko sa Logan na nakatingala, tumingala din ako at nakita ang building na mukhang abandonado, tumingin din ako sa paligid. Mukhang malayo na kami sa mismong Academy.

"Ewan. tignan nalang natin" sabi ko at naglakad papasok pero hinigit niya ako "Wag na kaya tayong tumuloy. di nako naiihi, balik nalang tayo"

"takte ka pagkatapos nating maglakad ng malayo, tara na at naiihi narin ako" malakas ko siyang hinigit. pagkapasok namin ay mukhang abandonadong bahay, maalikabok din kaya napaubo kaming dalawa.

"takte dude, alis na kaya tayo"

"Wag ka ngang maginarte, makikigamit lang naman tayo"

Pagkatapos ng ilang minuto ay nahanap din namin ang cr at surprisingly malinis yun. pagkatapos namin ay nagpasya na kaming bumalik pero nasa kalagitnaan palang kami ng paglalakad ay nakarinig kami ng mahihinang ingay.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now