CHAPTER 18: Misdecoremus

8.2K 336 32
                                    

LADY ELAFRIS HALE

"Sigurado ka bang papasok ka na?" pag sampung ulit na tanong ni Kaylie saakin. inis akong napasinghap at tiningnan siya ng masama kaya naman agad siya ngumuso. "Sabi ko nga, papasok ka na."

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at kinuha nag bag ko mula sa higaan. Ay ang sarap! ilang araw din akong nagpahinga kaya bored to death ako. marami din akong namiss kaya kailangan kong bumawi. tiningnan ko ang loob ng bag ko at nakahinga ng maluwag nung makita ang libro.

humarap ako kay Kaylie at ngumiti "Tara na?" tumango siya at sumunod saakin, kinatok ko ang mga pintuan habang dinadaanan ito 

"Hoy kelalaki niyong mga tao! daig niyo pa ang mga babae sa tagal niyong maghanda!" sigaw ko habang bumababa. "teka Ella, Hindi mo pa ba sasabihin sakin kung ano ba yung napanaginipan nung gabing iyon? talaga bang hindi mo maalala?" pangungulit ni Kaylie habang pababa kami ng hagdan

"Wala nga akong maalala, baka dahil lang yun sa lason" sagot ko. sa totoo lang hinding-hindi ko makakalimutan yun. nagkakaroon parin ako ng masasamang panaginip pero palagi kong ipinagdarasal na hindi ko na siya  makita pa sa mg panaginip ko.

"talaga?" tumango ako at ngumiti. "sa tingin mo ba kaya ko pang ngumiti o maging okay kung nakakaalala ako ng mga bagay na kinatatakutan ko ng husto?" 

nagkibit balikat nalang siya and finally gave up "Kung sabagay nga naman, lika na kain na tayo"

pagdating ko sa hapagkainan ay maraming nakalagay na pagkain sa mesa "Wooowwww! may fiesta ba? pakiramdam ko kasi parang pang isang linggong kainan 'to eh" natatawa kong tanong kay Blake na siyang naatasang magluto ng breakfast ngayon.

"Oo naman, kailangan mong kumain ng madami kasi babalik ka na uli sa school" sabi niya sabay latag ng hotcake sa mesa.  "Nice!" mabilis na hinablot ni Logan ang isang pancake at kinagat ito habang nagaayos ng polo.

"Dahan dahan naman takte di ka naman mauubusan" nakangiwing sabi ni Tyler sa kanya. halata kinakahiya niya ang nilalang na nasa harap niya.

bumaba naman sa hagdan ang halos nagkakandarapa na si Ash na balisa, naghanda ito ng bag niya habang nagtotoothbrush

"bat ka nagtotoothbrush? di ka ba kakain?"

"Sa cafeteria na. malalate na ako, may tatapusin pa akong research" may sasabihin pa sana ako pero nagmadali itng lumabas

"omg" rinig kong bulong ni Kaylie. "shocks oo nga pala! di pa ako nakapagsimula!" kumuha din sia ng isang pancake at nagmadaling umalis "Ella sabay ka nalang sa kanila ah! kita nalang tayo mamaya!"

"O-oh sige!" biglaan kong sagot. naalala ko same year sina Kaylie at Ash since a year younger naman sila samin. nagpatuloy nalang ako sa pagkain kasabay nung iba

"Oh Aiden. kain ka na" pang aaya ni Jayden habang nagbabasa ng libro kasabay ang pagkain. nagulat ako, paano niya nalaman na nasa likod namin si Aiden kung focused naman siya sa pagbabasa? lumingon ako sa kanya. nagkatinginan kami pero siya yung nag iwas tingin.

"I'll eat later" sabi pa niya bago tuluyang umalis. nalungkot naman ako bigla. 

"She's just the keeper of the book. not anything else, I don't see anything special about her."

Nagising ako dahil sa ingay pero yan kaagad ang narinig ko. nagtulug-tulugan ako para di maging awkward ang sitwasyon pero aaminin ko, nasaktan ako. 

Grabe naman kasi siya kung magsalita, naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niya saakin. There are just some people that you cannot stand.

--

"There are different kinds spells in the world. at siyempre may iba iba din tayong ginagamit dahil hindi naman tayo pare-pareho ng ability. that is why we gave you specialized books that are fit to your use and ability but there are some spells that can be used for general."

seryoso akong nakikinig kay Miss Alycia habang nagdidiscuss siya tungkol sa spells. hindi naman maiwasan ng mga mata ko ang gumala at napangiwi ako ng mapunta ito kay Logan na tulog na tulog with matching tulo laway pa. gusto ko siyang gisingin pero ayaw ko namang makadistorbo sa klase.

Iniwas ko ag tingin ko at nilibot ko pa ang mga mata ko. Everything seems normal, parang di nila alam ang nangyari sa anniversary ng parents ni Aiden, o baka naman di lang talaga nila pinag uusapan? Sobrang kaligayahan ko talaga nung nalaman kong okay lang sila pero nainis ako nung malaman na nakatakas ang iba na nakalaban nila at ang nadakip naman ay hindi nagsasalita kaya kinulong pero naglaho din sila sa sumunod na mga araw.

Ano kaya ang dahilan ng pag atake nila? kukunin ba talaga nila ang libro? o tinatakot lang nila kami? mukha kasing pinaglalaruan lang kami ng kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito. wala kaming lead sa kung sino man ang may pakana ng nangyari.

"The first spell is the spell of misdirection. sa tuwing nakikipaglaban kayo ay hindi ninyo maiiwasan ang kabahan kaya nakakalimutan niyo ang mga spell na nakatalaga sa inyo. Ang spell na ito ay magdudulot ng pansamantalang pagkakalito ng iyong kalaban at para malaman kung anong klaseng pagkalito iyon let's call Miss Hale and Mr. Ryker"

napahawak ako ng mahigpit sa ballpen na hinahawakan ko. dahan dahan akong tumingin kay Professor at tinuro ang sarili ko "Ako po?'

tinaasan niy ako ng kilay "Bakit, may iba pa bang Miss Hale dito?" napanguso ako sa kasungitan ni Prof. nakita ko namang kampanteng bumaba si mula sa kanyang desk si Aiden kaya sumunod nalang din ako.

tumayo kami sa maliit na entablado ng magkaharap. tumingin kami pareho kay Professor Alycia at naghintay ng susunod na gagawin 

" Let's assume that Ms. Hale will be the offense and Mr. Ryker will be the one to defend. Now, Mr. Ryker, aatake ka kay Ms Hale then Ms Hale will do the spell. say misdecoremus"

BLAKE FLETCHER

Lahat kami ay nakatingin sa dalawa. nagkaroon ng  maliit na barrier para hindi maapektuhan ang mga estudyante na nanonood. nagpakawala si Elafris ng mga butil butil na tubig na nagsisilbing bullets, one of her newly discovered spells at mabilis itong tinira kay Aiden. 

"misdecoremus" nagkaroon ng usok sa loob barrier kaya hindi namin alam ang nangyayari sa loob pero nung maglaho ang usok ay nakita ko ang gulat na ekspresyon ni Elafris. may mga kataga siyang sinabi pero hindi namin ito marinig. Si Aiden naman ay nanatiling nakatingin din sa kanya.

Mabilis na nagpakawala ng apoy si Aiden at nagmistulan itong mga ahas na pumalibot kay Elafris pero wala parin ito sa katinuan, bumalik lang ito sa realidad nung tinawag ni Jayden ang pangalan niya, sa huling pagkakataon ay binigkas uli niya ang spell at nawala ang mga ahas na apoy na nakapalibot sa kanya. Nagkaroon uli ng usok gaya nung nangyari nung una at pagkabigla din ang nakita ko sa mga mata ni Aiden, mabilis naman itong bumalik sa normal.

nawala ang barrier at bumaba sina Aiden mula sa stage, pabalik sa kinauupuan nila. Nang makaupo sila ay walang umimik, normal lang iyon kay Aiden pero kay Elafris ay hindi, mukhang malalim ang iniisip nito.

"What you have just witnessed was the spell of misdirection, magagamit niyo ito sa mga panahong gipit na gipit kayo at kaya nitong ipakita sa iyong kalaban ang taong importante sa kanila sa nahihirapang sitwasyon na makakapagpadulot ng pagkalito at pagduda but it will only last for seconds but enough time for you to get ready or attack. Hindi ko na tatanungin kung sino-sino ang nakita ng dalawa and it will remain confidential."

But it was really weird. Bakit ganoon ang ekspresyon ni Ela?

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now