CHAPTER 8: The Perfect Gift

17.9K 675 179
                                    

LADY ELAFRIS HALE
 
Bumalik muna ako sa dorm para maligo at magpalit ng damit pero pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong humiga sa kama at bumuntong hininga 

"Ayokong sumama" sabi ko sa sarili at nagpagulong gulong naiilang ako kay Aiden! di ko maimagine na magkasama kami sa mall.

 nahagilap ng mga mata ko ang drawer na nasa gilid ng kama ko. lumapit ako dito at binuksan then nakita ko yung itim na notebook 

"Ano kaya ito? bakit kaya  to hinahanap nung Zaldeans?" bulong ko sa sarili at tinitigan ito, maya maya't may umilaw na mga letra pero di ko maintindihan 

mávro council

ano nanaman 'to? then nakarinig ako ng katok sa pinto "Hey woman, make it fast, if you're not in the living room within 20 minutes I'll drag you out of this house understand?" 

agad akong napatayo "hindi sapat yung 20 minutes uy!" 

"Tik tak tik tak" I groaned in frustration, mabilis kong binalik ang notebook at nagkakandarapa akong tumakbo papunta sa cr para maligo 

--

"Ano ba kasi ang gusto ng mommy mo?" tanong ko kay Aiden na busy sa pagkakalikot sa cellphone niya, he just shrugged 

"you're a female, you should know" he said, still not looking at me, bumuntong hininga ako at tumingin nalang sa labas ng bintana ng kotse. nasa city na kami ng human realm at papunta na sa mall. Hindi ko talaga gusto yung idea nato dahil baka may makakita na kaibigan ni mommy tapos sabihin nagloloko lang ako sa school 

"Ma'am, sir andito na po tayo" tumango ako at ngumiti kay manong "salamat po" pero sumama ang tingin ko kay Aiden na basta basta nalang umalis ng kotse. Lumabas narin ako at mabilis siyang hinabol        

nagsimula na siyang maglakad kaya sinundan ko lang siya, baka may pupuntahan siya store na bibilhan ng gift ng mommy niya 

Nahiya ako bigla dahil pinagtitinginan kami ng mga tao, dapat kasi di na ako sumama sa lalaking 'to eh! masyadong gwapo, pinagtitinginan tuloy kami. What more kung kasama na namin ang buong squad? jusmeyo magmumukha akong kaawa-awa neto  

naglakad kami mga isang oras palibot ng mall na 'to pero napapansin kong hindi parin siya nakakahanap ng magandang store

"Malayo pa ba tayo? hindi ka parin ba nakakapili?  masakit na yung paa ko!" tumigil siya at nilingon ako, binulsa narin niya ang cellphone niya at kumunot ang noo          

"What the heck are you saying? I was waiting for you to lead or tell me that you found a nice store" 

"Ha?!" di ko mapigilang mapasigaw kaya naman napunta ang atensyon ng mga tao saamin, I apologized at binalik kay Aiden ang tingin 

"Bat di mo sinabi?! pinagod mo pa ako!" Inis kong sabi sakanya. All thses time ako lang pala ang hinihintay niya.

tinaasan niya ako ng isang kilay "You did not ask me, I brought you here to help me so why did you think I have something in mind? are you that stupid?" 

pinandilatan ko siya ng mata, ang kapal rin neto, ang lakas makastupid! "Hoy lalaki, wag mo akong mastupid stupid ha?! kung gusto mo, ikaw nalang maghanap ng gift ng mommy mo! che!"  

magwawalk out na sana ako nung hinawakan niya ang braso ko "Let's eat first, then buy the gift" tiningnan ko siya ng mariin at walang imik na sumama, hindi na ako magpapakemi dahil gutom na ako at ayokong mapahiya pag tumunog ang mga halimaw ko sa tiyan. 

"Sit here, what do you want?" tanong nung kumag pagkatapos niya akong pabagsak na pinaupo, tiningnan ko siya ng masama tapos tumingin sa menu. Hindi yung kami nasa mamahaling restaurant ah! sinabi ko sakanya na mag food chain nalang kami para hindi masyadong magarbo, yung tinutukoy ko na menu ay yung nasa counter 

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now