CHAPTER 16: Fallen

7.9K 368 30
                                    

LADY ELAFRIS HALE

"Kuya ano ba ang nangyayari?" tanong ni Kaylie kay Logan habang pinakiraramdaman namin ang paligid. "Hindi ko pa alam" sagot naman nito pero nanatiling nakamasid sa paligid.

ilang sandali pa ay biglang natahimik ang lahat, napahigpit ak hawak ko sa dress na suot ko, kinakabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari.

"fck" rinig kong mura ni Tyler bago magkaroon ng parang barrier na nakapalibot saamin at parang may dumaan na apoy, buti nalang at nagkaroon ng barrier kundi masusunog kami.

doon ko lang narealize na si tito Flame ang may pakana ng apoy na iyon. biglang nagkaroon ng ilaw sa itaas na tama lang para makita namin ang ga nangyayari sa paligid namin. nagkagulo ang lahat at sira sirang mga gamit ang nadatnan namin. 

Naalila ko rin si Tita Lean na pumapaslang gamit ang isang espada, punit punit narin ang damit niya. Si Tito Flame naman at ang ibang magulang nina Kaylie ay nakikipaglaban sa mga taong nakacloak. grabe sobrang dami nila.

Sa kabilang banda naman ay nahagilap ng mga mata ko si Aiden, kumunot ang noo ko, kailan pa nagkaroon ng sungay si Aiden? namana niya sa ama niya?

Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko, sobrang kinakabahan ako at natatakot ako. nawawalan narin ng lakas ang mga tuhod ko.

Hinawakan ng mahigpit ni Jayden ang mga kamay ko "Elafris, kailangan mong makinig ng mabuti saakin. Kailangan niyong tumakas ni Kaylie, kailangan niyo lumayo para maligtas kayo at ang libro. wag na wag mong isusuko sa kanila ang libro Elafris. Wag na wag kang lilingon, derecho lang ng derecho, pagkaabot niyo ng gubat ay may naghihintay sa inyo doon"

kahit man naiiyak ay pinilit kong magpakatatag. Hinawakan ko si Kaylie sabay tango, biglang nawala ang barrier 

"TAKBO!" sigaw ni Jayden,walang alinlangan akong tumakbo, hindi ako lumingon, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Kaylie at ang libro

Natatakot ako, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanila. ayokong mawala sila, ayoko ayoko. 

Ayan na, nakikita ko na ang pintuan, kailangan naming makatakas. mas binilisan ko ang takbo ko

"Ahh!" natumba kami pareho ni Kaylie sa malamig na sahig, I hissed at the pain I felt because of the impact. agad akong gumapang papunta sa kanya "K-kaylie, ayos ka lang ba? makakatakbo ka pa ba?" alala kong tanong habang tinitingnan kung may galos ba siya.

Naawa ako sa kanya, umiiyak siya ng umiiyak "m-masakit, di ko kaya Ela, di ko kaya" umiiling iling siya, hinawakan ko siya sa balikat , tiningnan ko siya sa mga mata niyang kumikislap dahil sa luha at puno ng takot.

"kaylie, kailangan nating makatakas, kailangan nating makaligtas" tumigil siya pero patuloy paring tumutulo ang luha niya 

"Natatakot ako, baka may mangyari kena mommy, ayokong mawalan ng kuya, ayoko ring mawalan ng mga kaibigan Ela, natatakot ako" 

"Kaylie, walang mawawala! magkikita kita rin tayo! kailangan lang nating tumakas dahil wala pa tayong maitutulong! magiging sagabal lang tayo Kaylie!" sigaw ko sa kanya, alam kong nagulat siya sa ginawa ko dahil napatigil siya sa paghinga and hurt is evident in her eyes but heck, she needs to wake up.

tumango siya, sabay naming tinanggal ang mga heels na suot namin at inalalayan ko siyang tumakbo, paika ika man pero sinikap naming makatakas may nakakasalubong kami pero nagagamit ko naman ang mga natutunan ko sa exam.

habang palapit ng palapit kami sa pinto ay mas marami ang nakakasalubong namin, not to mention na nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. ngunit napatigil ako nung may humarang saamin, marami rami sila kaya wala akong nagawa kundi umatras, habang palapit at palapit sila, inabot nila ang mga kamay nila papunta saamin na para bang kukunin nila kami. Hindi maaninag ang mga mukha nila dahil natatabunan ito pero kitang kita ko ang mga ngiti nilang nakakakilabot kaya kinabahan ako ng husto

habang lumalapit sila ay wala akong nagawa kundi pumikit na para bang wala na akong magagawa, for a moment I chose to give up pero habang tumatagal  wala akong naramdaman na maski anong masakit.

"Kuya Aiden" bulong ni Kaylie na nakapamulat sa mga mata ko. dahan dahang umangat ang ulo kong nakayuko at kumalabog ang puso ko nung magkatama ang paningin namin.

"Tumakbo na kayo, ako ang bahala dito" malamig nitong tugon, wala akong magawa kundi tumakbo ng tumakbo hanggang sa umabot na kami gubat. 

Medyo malayo palang ay nakita ko ang mga propesor namin sa Academy. nagtaka ako kung bakit sila nandito at kun paano nila nalaman o kung paano sila nakaligtaas kaagad pero pakiramdam ko ay hindi ito ang tamang panahon para don.

"Bilisan na ninyo" inalalayan ako ni Prof. Horloch habang ang iba naman ay agad na inasikaso si Kaylie, pinasakay nila kami sa isang karwahe pero hindi pa ako nakakatapak sa hagdan ay nakaramdam ako ng may tumama sa likod ko. It was painful like a spear piercing through my skin, namanhid rin ang buo kong katawan at biglang natulala.

"ELLLAAAA!" rinig ko ang matinis na sigaw ng umiiyak na si Kaylie bago naging itim ang paningin ko.

--

I was standing in the middle of my dark room, wearing my nightdress.  my feet touching the stone cold floor, hindi ko alam kung bakit ako nandito o bakit ako nakatayo, It seemed that the night was deep at nakahiga na dapat ako ngayon.

napayakap ako sa sarili ng tumama ang malamig na hangin mula sa labas, ngayon ko lang napagtanto na nakabukas pala ang pinto sa terrace ko habang sumasayaw sa hangin ang kurtina nito. It wasn't right. something was definitely wrong and I have this odd feeling that something bad was gonna happen.

May mga bagay na hindi ko maalala at pilit ko itong binabalik balikan pero sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon ay sumasakit lang ang ulo ko. I shook off the feeling, kailangan ko nang matulog at baka maabutan pa ako ni manang na gising.

dahan dahan akong naglakad papunta sa pinto upang isara ito dahil sa laming na dinudulot nito, nung makarating na ako sa terrace ay suminghap ako, nakakagaan ng pakiramdam ang malamig na simoy ng gabi. tumingin ako sa buwan, full moon yata ngayon dahil sa liwanag at hugis nito.

I pity the moon, the moon didn't have the right to shine on it's own and depended on what the sun gave it, only then it can prove itself that it's needed. parang ako lang. I smiled bitterly.

"It's pretty isn't it?" 

Agad akong napatalon nung may nagsalita sa likod ko, I slowly turned pale when i saw who it was.

"surprised? " tumawa ito na para bang nasasayahan siya habang nakikita akong takot na takot "Don't you pity the moon?  na kung hindi lang dahil sa araw ay hindi natin malalaman na nandiyan pala siya" ngumisi siya ng makabuluhan na nakapagpatayo sa balahibo ko.

"H-how?" I asked with my voice trembling "Bakit ka nagugulat? Is it weird that I can hear every thought?"

I whimpered in fear, paano nangyari 'to? b-bakit nandito siya?  bakit siya nasa harapan ko?

Yung ngisi na tila natutuwa sa larong ginagawa niya ay biglang nawala at napalitan ng blankong ekspresyon.

"And now you even question my existence?  bakit Elafris? ikaw lang ba ang may karapatang mabuhay? ikaw lang ba ang dapat na nandirito sa mundong ito?" tumigil siya pero muling ngumiti ng pagkatamis tamis. ang matatamis na ngiting iyon ay ang nakakapagpadagdag sa takot na nararamdaman ko ngayon.

"tsk, tsk, tsk. you shouldn't be selfish, you shouldn't be greedy my dear Ella dahil simula ngayon ay hindi ka na mag iisa pa. Hindi ka mabubuhay kung hindi dahil saakin at hindi ka rin dapat nandiyan kung wala ako."

She slowly faded into darkness leaving me petrified

"you are me and I am you Elafris"

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now