CHAPTER 23: The Escape

1.8K 93 12
                                    


LADY ELAFRIS HALE

"Bilisan niyo at baka maabutan pa tayo!" pabulong na sigaw ni Blake samin habang sumisilip sa labas "dalhin niyo ang yung mga importante."

tapos na akong maghanda dahil konti lang naman ang gamit na natira sakin after magiba yung Academy kaya nagpasya akong tulungan ang iba pa naming mga kaibigan.

Lumapit ako kay Aiden na mabagal kumilos at tinulungan siya mag empake.

"Aiden bilisan na natin" sabi ko habang nilalagay ang iba pa niyang tshirt sa bag nung nakita ko ang isang larawan.

kinuha ko ito at tinitigan, malawak na nakangiti si tita Lean habang nakahawak sa isang braso ni tito Flame na kaunti lang ang ngiti pero ngumingiti ang mga mata nito kaya halatang masaya, nasa ibabaw din ng ulo iya si Black or meow yata iyon na mahimbing na natutulog. Si Aiden naman, ang liit pa niya dito, nakangisi din siya habang katabi si Rift na maliit pa, nakasuot sila ng pangsafari na outfit at mukhang nasa gitna sila ng gubat.

natigil ang pagtitig ko nung kinuha ito mula saakin "It was my most treasured family picture. It was taken in Ovaro, The land of flora." Hindi ako nakapagsalita, I didn't think he'd open up to me about this.

"here." sabi niya at binigay saakin ang isang maliit na paper bag. teka, ito yung bring home niya mula sa Human Realm nung bumili kami ng regalo para sa mama niya.

"Ano 'to?" tanong ko habang inaabot niya saakin yung paperbag.

"open it to find out."

Hindi ako nag inarte at binuksan iyon at laking gulat ko na lamang nung makita ang nasa loob nun "omg"

"I saw you looking at it at the store. I've been wanting to give that to you but alot of things are happening so I couldn't find the time."

hinawakan ko ang raindrop pendant at napangiti, Hindi ko inakalang may side pala siyang ganito.

"Don't think about any meaning. It's just a Thank you gift for accompanying me and helping me find the perfect gift."

"Salamat hehe" nakangiti kong sabi sa kanya. tumikhim naman siya at nag iwas tingin

"Oh ano, tapos na ba kayo diyan?" tanong ni Logan saaming lahat. mukhang tapos na kaming lahat kaya naman maingat na kaming lumabas, medyo maliwanag na kasi 5:00 am na kaya mas binilisan pa namin ang lakad.

kaunti pa lang ang mga kawal kaya mabilis namin silang natatakasan, maingat kaming naglalakad, nasa unahan sila Logan, Jayden at Ash, sunod kami ni Kaylie at nasa likod naman namin sina Blake, Aiden at Tyler.

Nasa gubat kami at papunta sa Hidden Garden nina tita Lean at tito Flame, tinahak namin ang daan papunta sa likod ng school at tumigil sa aharap ng isang pader na natatabunan ng mga halaman.

tinanggal ni Aiden ang mga halaman na nakaharang at pinakita nito ang isang pinto na may naka ukit na MYSTICA. May kinuhang susi si Aiden at binuksan iyon, dali-dali kaming pumasok sa takot na mahuli kami.

"Ngayon, kailangan lang nating hanapin ang pinto papunta sa labas" sabi ni Tyler at nagsimulang maghanap. Hindi ako nakagalaw agad dahil napanganga ako sa gandang taglay ng kapaligiran. It really felt like I was in a fairytale, masyadong relaxing at magaan ang aura dito

"Nahanap ko na!" sigaw ni kaylie habang nakatingala, Agad akong lumapit sa kanya.

Oha. effortless ako pero nahanap namin yung exit.

"ang taas naman niyan!" reklamo pa niya, napakagat labi ako, I'm not a fan of heights pero wala kaming magagawa.

lumapit kaming lahat at tiningnan iyon. napagpasyahan naming may mauunang dalawang lalaki para tignan kung safe ba sa kabila at hindi maging mahirap bumaba at nagkataong si Ash at Tyler iyon.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon