CHAPTER 34: Mind Games

3.9K 153 7
                                    

3RD PERSON'S POV

Tahimik na tumatawa ang dalawang tao na kanina pang nakamasid sa magkakaibigan. They were sitting on a tree far away from Elafris and her friends. para silang mga gutom na hyenas na naghihintay para sa kanilang susunod na biktima.

"They look so pathetic Hysteria don't you think?" hysterical na sabi ng lalaki. He was wearing a suspender matched with off white polo and black shoes. His face was pale and was covered with red lipstick. The only thing that someone would compare him to was is that he looked like a clown. Palagi siyang nakangiti at tumatawa na parang lahat ng ginagawa ng tao ay masaya para sa kanya.

"Humans are nothing but weak creatures" malumanay na dagdag ni Hysteria. If Hulgar was psychotic and noisy, Hysteria is the opposite. She does not speak that much. But just like Hulgar, her face is also covered in doll-like make up. She wears a vintage dress and bonnet just like vintage baby dolls in the past.

"Oh, Orion. titingin ka na lang ba diyan o tutulong ka?" tanong ni Hulgar sa isang lalaking nakacloak. di nakikita ang kanyang mukha dahil nahaharangan ito ng cloak

"My only mission here is to get the book and return it. Nothing else" malaming na sagot ng lalaki.

Hulgar scoffed "I thought you wanted to see her at least"

Biglang nakaramdam ng pagkakasakal si Hulgar. Everything happened so fast na di niya namalayan ay nahulog na siya mula sa puno and is pinned down deep down in the ground. He looked in horror at the red eyes of the man named Orion.

"Orion stop that already" malumanay na pagsasaway ni Hysteria. parang nagising sa katotohanan si Orion at tumayo. Hulgar desperately gasped for air as Orion was glaring at him.

"Wow, ang bilis mong magalit" tawa nito. He was so close to being killed but he still managed to laugh. Isa talaga siyang psycopath.

"Don't ever make that remark again" malamig nitong saad "Madame gave you that job as the part of the council, wag kayong magpadalos-dalos. you are nothing." 

Biglang nawala ng parang bula. Agad na umakyat si Hulgar sa kanyang pwesto kanina habang minamasahe ang kanyang leeg

"Wow that man is pretty hardcore" Tawa nito. napailing nalang si Hysteria. They never considered each other as friends in the council. They only need each other for power at ginagamit lang nila ang isa't-isa.

"Umalis na yung babae dala ang libro." sabi ni Hysteria "Oras na."

Biglang nawala si Hysteria at si Hulgar naman ay dinilaan ang kanyang mga labi saka ngumiti ng nakakatakot, tumawa ulit ito.

"Show time"

--

Ela was still crying hard as she walked. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin, gusto lang niya na matapos na ang lahat. She was scared and sad at the same time.

"A human heart is very weak." napatigil siya ng may narinig na boses ng isang babae, malumay pero nakakabighani. She looked around, hugging the book tightly

"Sino ka?!" She shouted. 

"Humans are easily destroyed by their hearts." 

Biglang kinabahan si Ela, She was looking around. kinuha niya ang maliit na katana na palagi niyang dala in case of emergencies.

"That's what makes them great puppets"

Napatili si Ela nung biglang may mga katawan na nahulog mula sa taas. They were floating in mid-air with their faces looking down. Para silang mga manikang kino-control sa isang puppet show. They surrounded her.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now