CHAPTER 43: Madame

3.5K 153 6
                                    

THIRD PERSON'S POV

Walang imik na nakadungaw si Elafris sa bintana ng karwahe. Walang emosyon niyang tiningnan ang napakalaking kasilya na napapalibutang ng kadiliman. It took them 3 days to travel to this castle

"Miss Eris, bababa na po tayo mga ilang sandali nalang" magalang na sabi ni Evania kay Elafris. Tinaasan siya nito ng kilay at hindi pinansin. Umirap at naiinis na bumalik si Evania sa kinauupuan niya.

akala mo naman kung sino. Baka akala niya di ko siya kayang patayin dito ngayon, mas malakas ako sa kanya 'no

"If you think that you are stronger than me then there must be something wrong with your brain" malamig na sabi ni Elafris kay Evania. Nagulat si Evania at kinabahan, For the first time ay binigyan siya ng pansin ni Elafris

"N-naku, hindi po ganun. Alam ko pong ikaw ang pinakamalakas dito" Evania told her with gritted teeth. Hindi alam ni Elafris kung gaano kagigil si Evania sa kanya but Elafris is amused and wants to provoke her more. 

"I know. You are just one of that old hag's dog right? ni hindi ka pa nagkalahati sa kuko ko" Nangungutyang sabi ni Elafris kay Evania. Nang malapit nang sumabog si Evania ay nakababa na ang karwahe nila at mabilis na bumaba si Elafris mula sa karwahe. Walang nagawa si Evania kundi patayin nalang si Elafris sa isip niya. 

"Dalhin mo ako sa kwarto ko, gusto kong magpahinga" mataray na sabi ni Elafris. Agad siya sinamahan sa pinakahuling parte ng kasilya kung saan ang kwarto na para sa kanya. Tiningnan ni Elafris ng maigi ang malaking pintuan bago binaling kay Evania ang kanyang atensyon.

"Nais kong magpahinga. Iwan mo na ako dito" Malamig na saad nito. Nagtaka si Evania at tinaasan ng kilay si Elafris. Biglang naging puro itim ang mata ni Elafris kung kayat kinabahan si Evania at mabilis na umalis.

Pagkapasok ni Elafris ay pinagmasdan niya ang paligid at  nang masiguradong nag-iisahan lang siya ay nanlambot ang kanyang tuhod at pabagsak na napaupo sa sahig.

"Shems. Kinabahan ako dun, akala ko makikilala niya ako" Kabadong saad ni Elafris habang hawak-hawak ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay lahat ng lakas ng katawan niya ay nagamit an niya at bumigay ang kanyang katawan.

"You won't get away with this" malamig na saad ni Eris sa kanyang isipan. Matindi ang galit ni Eris dahil sa pag-aakala niyang makakalabas na siya at buo nang makukuha ang isipan at katawan ni Elafris. Kabaliktaran ang nangyari dahil nakuha ni Elafris ang tinatagong ability ni Eris habang kontrolado parin niya ang kanyang sarili. 

"Hindi ako papayag na makontrol mo ako. Kasalanan mo ang lahat ng ito. I'm just using you against yourself" matapang na sagot ni Elafris. She needs to find a way to defeat who they call 'madame' and completely vanish Eris from her body. 

"I placed a curse on this book, pagbukas niya imbis na makuha niya ang kanyang gusto ay mapupunta ang kalahati ng kanyang lakas at pagkatao sa magdadala ng dugo ko at ang taong iyon lamang ang makakabukas ng librong ito. This book is never to open until the person that carries my bloodline will open it and if he is lucky, he may destroy it." 

Nag-isip si Elafris ng napakadaming posibilidad. Kung ano ang pwedeng gawin at kung paano maliligtas ang Academy at ang buong Vindea. She let out a frustrated scream at hinawakan ang ulo niya, Its so hard to think. Swerte lang siya ay hindi nababasa ni Eris ang isip niya dahil sa restrictions ng curse na inilagay ni Deux sa kanya.

Imbis na mag-isip ay kinalma niya muna ang kanyang isip at napagdesisyonang maligo at linisin ang kanyang mga sugat. Habang nasa bathtub ay hindi niya maiwasang mapahikbi dahil sa mga nangyari sa kanya, sa mga kaibigan niya at lalong-lalo na kay Fabian. 

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant