CHAPTER 30: Friar

5.4K 208 27
                                    

LADY ELAFRIS HALE

Nakaramdam ako ng uhaw kaya napagising ako, dahan dahan akong umupo sa higaan with my body still aching all over pero hindi na ganoon kalala. I reached for the glass and pitcher on the table beside my bed pagkatapos uminom ay ibinalik ko ito sa pinanggalingan then I noticed the book beside it. The cursed book that has the secret to waking up the parents of my friends. Pag malaman namin kung ano makakapagpagising sa kanila ay siguradong mababalik sa dati ang lahat. Nobody can defy the most powerful people.

I reached for the book at hinawakan ito, I started to open the pages, they were blank. nagpatuloy ako sa paghanap ng kahit anong sulat sa mga pahina ng bigla itong umilaw at nag iba ang kapaligiran.

Nakatayo ako sa isang makalumang kwarto. maraming potion bottles ang nagkakalat sa sahig, karamihan nito ay basag na. marami ring mga aklat na makaluma at ibat ibang uri ng spices na ginagamit sa pag gawa ng mga potion. naglakad ako at nahagilap ng mga mata ko ang litrato ng isang pamilya. Ama, ina at isang anak na lalaki, mukhang masaya sila dito.

"Sabi ko sa yo na itigil mo na ang ginagawa mo! mapapahamak lang tayong lahat!"

"Mas mapapahamak tayo pag hindi ko ginagawa ang inuutos nila! para rin sa atin 'to!"

Agad akong napalingon sa dalawang lalaking nagsisigawan.  Ang isa ay medyo katandaan na at ang isa ay mukhang binata pa. Tiningnan ko ulit ang litrato at nakita na sila ang mag-ama mula dito. 

"Pa, isipin mo naman kami ni mama. Matagal na kaming nagtitiis sa pagtatago ng dahil sa pinag gagawa mo."

"Kahit anong sabihin mo ay hindi magbabago ang isip ko."

Mas nagalit ang binata at umalis sa harapan ng matandang lalaki. Lumingon siya sa gawi ko, ang akala ko ay nakita niya ako pero di kalaunan ay umupo siya sa kanyang mesa at hinimas ang kanyang noo,. He looks so devastated and in pain.

Biglang nag iba ang kapaligiran, nasa kalagitnaan ako ng madilim na gubat, maraming sumisigaw at nasusunog. Naglakad ako palabas ng gubat at bumungad saakin ang nasusunog na Academy. maraming katawan na nakahandusay kahit saan, marami rin ang nagsisitakbuhan.

Bigla akong kinabahan at lakad-takbo ang ginawa ko upang malamang kung ano ba talaga ang nangyayari. Napahiyaw ako nung bumungad saakin ang kanina ko pang hinahanap.

Tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagkabasag ng puso ko. Nakahandusay sa sahig ang mga katawan ng mga kaibigan ko, pakiramdam ko ay naguho ang mundo ko.

Mas lumakas ang kaba na naramdaman ko nung nakita ko ang isang pamilyar na babae. agad akong napatakbo at nakumpirma ko na siya nga. Lumakas ang iyak ko, at nanginig ang buong katawan ko.  blanko ang utak ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. My worst nightmare was infront of me. Isang sitwasyon na kahit kailan ay hinding hindi ko matatanggap.

I was holding the body of my dead mom.

I cried out in pain, mas masakit 'to sa kahit anong pagpapahirap saakin. I hugged her tight. maybe, maybe she'll wake up.

"Ma! Ma! Gising! ma! Wag mo naman akong iwan oh!" Iyak ako ng iyak habang yakap ko siya. 

Ngunit sa panahong iyon ay lumingon ako sa gawi ng mga kaibigan ko. Nakita ko si Aiden, maraming sugat at nakaluhod sa harapan katawan ng ama at ina niya, ang itsura niya ay tulad nung nasa kasilya, full transformed demon form. Tulad noon ay parang wala siya sa kanyang isip pero may mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. Nothing is more painful than losing everyone you have all at once.

"No, stop. please, stop. wag mong ituloy" I whispered under my breathe while sobbing.

May taong tumayo sa likod niya, hinawakan ang buhok niya at tinutukan ng patalim ang kanyang leeg. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya, I wanted to save at least him pero hindi gumagalaw ang katawan ko.I was paralyzed. 

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now