CHAPTER 29: Wrath

1.6K 122 9
                                    

JAYDEN SILVERCAST

Nakatayo kaming lahat sa harapan ng mahigit isang daan na mga bampira, mukhang galit na galit si Aiden. pakiramdam ko ay naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa nakikita.

"Oh no, Ella" suminghap si Kaylie, mga kamay niyang nakatakip sa bibig niya habang tahimik na umiiyak. Nakahiga siya sa sahig, sa kalagitnaan ng nagkukumpulang bampira. tangna, nasiyahan ba sila? nasiyahan ba silang makita na pinahihirapan ang kaibigan namin?

tinaasan kami ng kilay ng matandang lalaki at naglakad palapit "And you are?" lumapit sa kanya ang isang bampira at may binulong, biglang pumula ang mga mata niya at nginisian kami.

"Welcome, your highness" marahan siyang yumuko ngunit pag taas niya ng kanyang mukha ay pinakita niya ang mga ngipin niyang matatalim, he looked like a monster. sabagay, halimaw naman talaga siya.

"god, vampires in Vindea ar so fcking ugly" naiinis na bulong ni Logan sa tabi ko, tiningnan ko siya ng masama. He just shrugged it off.

"Easy boy." rinig kong bulong ni Ash kay Tyler na unti-unti nang nagpapalit anyo, nakikita ko na ang ngipin niyang matulis at mukhang gustong gusto na niya makakagat ng bampira and of course we all know that vampires and werewolves are enemies by nature.

"Wow, visitors How did you go through my army of the undead?" sarkastikong sabi ng lalaking nakakapo. hinanap ng mga mata ko sa Ela.

Nakahiga, duguan at walang malay.

Hot blood rushed through my entire body and as I was about to lunge at them, may hangin na dumaan sa harapan ko. Nakita ko si Aiden, wala sa sariling hawak sa leeg ang bampirang nakakapo.

His eyes were blood red, horns were growing out of his head and wings were starting to emerge from his back.

mabilis kaming nagkatinginan ni Blake. Sabay kaming tumakbo palapit kay Aiden pero hindi namin maiwasan na mapalaban sa daan dahil sa dami ng bampirang nagkakalat. Pati narin ang iba naming mga kasama ay walang magawa kundi lumaban.

"Kuya! Bilisan niyo!" sigaw ni Kaylie habang kinuha mula sa dibdib ng bampira ang puso nito "Oo na! kitang nagdadali na eh!" Inis na sigaw pabalik ni Logan hinahampas ang mga bampira sa daan niya gamit ang kamay niyang shinapeshift na ginawang kamay ng dragon.

Lahat kami ay nagmamadali papunta kay Aiden. Hindi namin alam ang kahahantungan namin pag hinayaan namin siyang magwala. Isang sikreto na tinatago ng pamilya ni Aiden ang sobrang lakas nito, too strong that it's dangerous, hindi pa kaya ng katawan ni Aiden ang kontrolin ang dugo ng ama at ina niya na parehong malalakas.

Minsan niya nang malapit na patayin kami ng mga kaibigan niya at pati na rin ang mga magulang niya nung mga bata pa kami, sobrang nagalit at nalungkot siya dahil namatay ang pinakamamahal niyang ibon, simula noon ay kinontrol na niya ang kanyang emosyon at pinainom siya ng gamot na makapaglilimita ng kanyang ability para hindi na maulit ang nangyari noon.

Pero dahil sa nakita niya, dahil sa isang babaeng pinahahalagahan naming lahat, ay nawalan siya ng kontrol. Kailangan naming maagapan yon dahil kung hindi, pati ang babaeng iniingatan niya ay pwedeng mapunta sa kapahamakan.

Nung malapit na ako sa kanya ay hinarangan ako ng dalawang bampira, mukhang mas malalakas kesa sa iba. Ngumiti ang isa at pinakita ang kanyang mga pangil.

I clenched my fist, I could kill you in several ways for hurting her and wiping that smile off your face but I'm in a hurry.

"fck off"

"Oh, feisty. Amir, mukhang mapapalaban tayo dito ah." mapaglarong sabi nung bampirang nakangiti sa isa pang bampira, mas malaki at nakakatakot ang mukha.

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now