CHAPTER 21: Aiden's Pain

Start from the beginning
                                    

The next day pinasok ang tent namin ng mga kawal at sapilitan kami ginising at pinalabas nalaman kong pinatawag lahat ng taga Vindea sa Academy. nagkaroon ng assembly and I hated how they treated people with less respect and more violence. Kung makatulak sila, palibhasa hindi sila ang nasasaktan.

sa di kalayuan, may namataan akong batang babae na punit punit ang damit, mukhang wala siyang kasama at hinahanap yata ang mama niya pero tinulak siya nung kawal gamit yung baril.

"aww! mama! huhuhu" mabilis akong tumakbo palapit, dahil sa galit na nararamdaman ko, hindi ko na rin pinansin ang tawag nina Logan. pagkarating na pagkarating ko ay tinulak ko yung kawal at tinago sa likod ko yung bata. Tinutukan niya ako ng baril na pero di ako natinag, walang tao ang pwedeng tratuhin ng ganito kahit pa mataas ang ranggo nila.

"ANO BA ANG PROBLEMA NIYO?!" galit kong sigaw kung saan nagsilingunan silang lahat saakin, mabilis akong linapitan ng mga kaibigan ko. agad namang nagsitakbuhan ang ibang kawal at pinalibutan kami, nagdulot ito ng komosyon at nagsimulang magbulung bulungan ang mga tao sa paligid.

"leave them" Sabi ni Evania mula sa stage, iniwan naman kami nung kawal at pumunta sa ibang lugar. nagkakagulo ang lahat dahil wala silang alam sa mga nangyayari. nakatingin kaming lahat sa stage kung saan nakatayo ang ibang mga kawal at si Evania Grigor.

Her presence shouts authority at the same time betrayal. her eyes were strict and firm that matches her corporate outfit and her clean bun.

"alam kong naguguluhan kayo sa lahat ng nangyayari ngayon..." pagsisimula niya "But Vindea is in a very serious condition. kaya andito kami, the higher ups concluded na dapat gumawa ng isang organization para pansamantalang magpatakbo sa Vindea dahil sa crisis na nangyayari"

"nasaan na ang mga hari at reyna?! bakit di namin sila makita sa lahat ng nangyayari ngayon?!" isang sigaw mula sa mga tao. Marami naman ang sumang-ayon at nagbulung bulungan.

"Well unfortunately, the Royalties are busy with something else."

kumunot ang noo ko, ano ba ang pinagsasabi nila? tumingin ako kay Aiden na walang imik, nakakumo din ang kamao niya. tahimik akong lumapit at hinawakan ang kamay niya ng hindi tumitingin sa kanya.

"Anong something else na yan?! di a nila na naghihirap ang mga mamamayan nila ngayon?!"

"Ngayon namin sila kailangan saka lang sila may gagawing iba?!"

"Anong klaseng mga pinuno yan?!"

"oo nga!"

nagkagulo na ang lahat at nagsasabi ng kung ano anong hindi magagandang bagay tungkol sa mga magulang ng mga kaibigan ko na tahimik lang, wala silang magawa dahil kung hindi sila sumunod ay maaring hindi na talaga magising ang mga hari at reyna.

FLASHBACK

Nag hahanda na kami para patulog nung pumasok si Evania na may kasamang kawal.

"What are you doing here?" may kapintasan na tanong ni Tyler.

"Wow, it actually feels like this room hates me" pabiro niyang sabi sabay tawa ng nakakirita.

"Wow, at ngayon mo lang talaga napagtanto" sarcastic na sagot ni Kaylie. masama ang tingin niya kay Evania and we all feel the same way.

"well, so much for that. I'm here to tell you a little something, The public should never know about the situation of your parents"

"Bakit?! may karapatan silang malaman yun kasi mamamayan sila!" hindi pagsangayon ni Blake. He's right, may karapatan silang malaman kasi sila ang apektado at hindi tamang gawing tanga ang publiko.

"Well that's what you think pero dahil hindi pa kami official na organization ay hindi pa namin hawak ang buong karapatan..." I rolled my eyes, as if we'd let that happen. " At pag nalaman iyon ng publiko ay may chansang mag alsa sila laban saamin lalo nat wala ang mga hari at reyna na namumuno sa kanila, hindi rin namin sila makokontrol dahil nga wala pa saamin ang karapatan. So in the end, pag malabas to sa publiko ay magkakagulo ang lahat, factions will be created and the peace and unity that your parents worked hard for will all go down to waste."

natahimik kaming lahat sa sinabi niya, she has a point pero hindi parin maganda ang magsinungaling.

"We won't let that happen. kami ang mga anak at kami ang may karapatang mamuno" singhal ni Jayden, tumawa naman si Evania na para bang hindi makapaniwala. "Are you in your right mind boy? everyone knows that you are still not fit to rule the whole kingdom. "

"Plus, if you keep doing this juvenile act of yours, there is a possibility that your parents will never wake up again. pinapaalala ko lang sa inyo na kapag nag alsa ang mga tao ay magkakagulo ang lahat,pati rin ang organisasyon then we won't be able to find any cure within 100 days"

natahimik kaming lahat, damn nakahanap siya ng loophole.

"Let's make a deal" biglang tumalon pababa ng triple deck si Aiden kung saan nagulat si Evania pero binalik naman niya ang kanyang composure.

"I will let you rule Vindea temporarily but you will let us go out of the Academy and help find the cure and let us make any changes and you will follow our request." tumaas ang kilay ni Evania sa sinabi ni Aiden.

"And why do I have to do that?"

"We have the book of fate that you are dying to have"

nagulat kaming lahat sa sinabi niya, maski si Evania. Napahigpit ang hawak ko sa libro, mukhang nainis si Evania at tumingin saaming lahat.

"Fine. do whatever you want"

FLASHBACK ENDS...

Sa ngayon ito lang ang pinanghahawakan namin, that tiny bit of hope. Hindi rin namin magamit ang mga ability namin dahil naka ability proof ang buong academy for 'safety' purposes daw.

"Let's all work together to stand up again while our leaders are doing something else. I, Evania Grigor promise to do all that I can and make Vindea a better place."

With that said, alam na naming marami ang magbabago and we have to face whatever that change is.

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now