Chapter Eleven

127 4 0
                                    

Angel

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. All I remember was falling asleep in Worth's car while on our way to the village. Nagising nalang ako ngayon sa isang higaan.

I groaned before sitting up. It took me few seconds to be fully awake and looked around.

Nasa isang kwarto ako. Isang napakalaking kwarto. And surrounded with big transparent windows. Kitang kita rito ang mga nagtataasang bundok sa kalayuan at maliliit na ilaw ng mga bayan. It's night.

Walang masyadong laman ang malaking kwartong ito. Just some bookshelves, black matted floor, side tables and a grand piano near the glass window.

Halatang walang tumitira ng matagal rito.

All the walls are white with some potraits attached. Mga litrato at pinta ng mga bundok at iba't ibang kulay ng langit. There's a silver chandelier on the ceiling and grand steel curtains on each sides of the glass walls.

Mabilis kong sinuri ang sarili ko. My mask is still on my face and my gloves. Napansin kong nakapalibot pa rin sakin ang pangsundalong jacket ni Worth. Doon lang nahawi ng tingin ko ang bandera ng Espanya na nakalagay roon.

--

Esperaz, WW
European Military, El soldado

--

Ito ang nakalagay sa harapan ng uniporme niya. His plates.

Tumayo ako mula sa higaan. Napansin ko kung gaano kalaki iyon. Kinailangan ko pang gumapang para maabot dulo nun. I'm sure it's not king-sized. It's massive!

I mentally shook my head. How rich is this man?

My socks are still on. Tumapak ako sa karpentadong sahig at naglakad papunta sa harap ng naglalakihang bintana ng kwarto. My mouth went agape.

The view from here is overwhelming. Kita ko ang maliit na mga bahay sa ibaba. There were bonfires and.. people.

Kitang kita rin ang bilog na buwan at mga bituin. Ang malalaking bulubundukin sa malayo at mga kakahuyan.

Naalala ko ang kwarto ko noong bata, nakasarado lahat ng pader, bintana at pintuan. I was so scared to see earthly things because I might crave for it to have. Ibang iba na sa kung nasaan ako ngayon.

Napangiti ako. It's so alluring, so serene.

"Magan..dang gabi,"

Lumapad ang ngiti ko nang marinig ang boses niya. His tagalog phrases never failed to amuse me.

Mas bagay sa boses niya ang nagtatagalog. I want to hear more of it.

Lumingon ako sa kanya. I got surprised when I saw him on gray pajamas. Parang kakagising niya lang rin dahil sa bahagyang nakapikit pang mga mata niya.

Natawa ako. "Gandang gabi, aking sundalo."

Ngumisi lang siya at kinusot-kusot ang mga mata niya. He pushed back his hair.

"Someone's comfortable with my coat," usal niya at tumabi sakin.

Binulsa niya ang mga kamay niya at humarap sa din sa labas.

I shrugged. "It's cozy.. pakiramdam ko may yumayakap sakin,"

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. He looked down to his coat and let out a small smile, his mouth slightly opened.

"Then wear it everyday." saad niya.

Natatawang umiling ako sa kanya. "I still need to wash it, Worth." Bumaling ako sa kanya.

See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)Where stories live. Discover now