Chapter Three

173 9 0
                                    

Aliens

10 years later..

Napabangon ako mula sa pagkahiga dahil sa narinig kong isang malakas na pagsabog. Napaungol ako at nag-unat. Plano ko pa sanang magtagal sa pagtulog pero mukhang nasira na.

Pilit akong nagmulat at tinignan ang orasan ko sa gilid ng kama.

Huminga ako ng malalim bago hinawi ang kumot at umalis sa kama para puntahan ang nanay. Sinuot ko ang purple gloves ko sa kamay at nilagyan ng clip ang buhok ko sa gilid.

Umalis ako sa kwarto ko at pinuntahan si nanay. Tumunog ang mga hakbang ko sa pagtakbo. Naabutan ko siyang palabas sa kusina na may hawak na malaking sandok.

"Narinig mo yun, nay?" kunot-noong salubong ko sa kanya.

Tumango siya at umiling-iling.

"Naglalaro na naman siguro yung mga pisteng mga bata sa bayan ng kung ano-ano. Hayaan mo na,"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay bumalik na siya sa loob ng kusina habang pinupunasan ang sariling kamay. Hindi ko nalang din inalintana iyon at nagtungo na sa pinto ng may ngiti sa labi para sa bago na namang umaga.

Hindi naman bago ang mga pagsabog sa ibabang bahagi ng bundok. May maliit na mga bayan kasi roon. Hindi rin namin alam ang sanhi nun. Minsan nasasabi ni nanay na mga bata lang daw ito pero nitong mga nakalipas, tingin ko parang iba na. Hindi na normal ang sunod na mga biglaang pagsabog sa mga nakaraang linggo.

Nakangiti akong lumabas ng bahay at sinalubong sikat ng araw. Binuka ko ang nga braso ko at bumuga ako ng hininga at dinama ang simoy ng hangin sa mukha ko. Hinayaan kong baybayin nito ang hanggang balikat kong buhok.

Ilang minuto akong nakatayo lang at nakatanaw sa magandang kulay ng kalikasan bago umayos ng tayo at mabilis na tumakbo patungo sa hardin ko. Binaybay ang suot kong damit ng hangin at hinayaan ko lang iyon. Nakapaa akong tumakbo patungo sa hardin kong punong-puno ng buhay. I liked to stare at their lives before anything else for this day.

I went to my beautiful, red cherries.

"Good morning, my cherries!" salubong ko sa kanila.

I smiled at my pretty cherries. I can't help but t admire them day by da. They grew up so fast and so many! Hinimas-himas ko ang mga preskang katutubo pa lang at ngumiti ng malapad. Ang sagana...

Para akong isang ina na tuwang-tuwa sa mga anak. Who would've thought they would be this many in growth? Kakaharvest ko lang sa kanila noong isang buwan, ngayon sobrang dami na nila ulit.

Tama nga si nanay. Iba talaga kapag babae ang nagtatanim. Mas nagiging sagana, lalong namumula ang kulay.

Tumayo ako mula sa pagkakayuko sa kanila at pinuntahan ang apple tree malapit sa ilog. Pagkadating ko roon ay nakapameywang tinitigan ko iyon.

Matanda na ang kahoy na ito. I tried my best to keep it alive, pero mukhang hindi na ito tatagal. May mga tumutubo pa namang mansanas kaso hindi nagtatagal ay agad ring nabubulok.

Ngayon, halos wala na. Kahit ang mga dahon at sanga nito ay natatanggal na. It looks like a lifeless tree now.

I breathed in and stepped back. I think it's time.

Pumunta ako sa mga pananim kong mga puting rosas at kumuha ng tatlo mula roon.

Lumabi ako habang naglalakad pabalik sa kahoy. It saddens me everytime I'm doing this. My plants are very close to my heart. Hindi ko maiiwasang malungkot kapag may nawala ang isa sa kanila mula sa hardin ko.

See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)Where stories live. Discover now