Chapter Two

186 10 1
                                    

Soldier

They say in life, chances comes everyday, in many ways. But in my case, this might be the only chance I would have.

If you're a thirteen year old girl, you're probably wondering about teenage things now. How to grow up, how to start a life. That's not what I'm living now.

I just got out, literally.

Nasa sasakyan kami ngayon ni nanay at papunta na sa Mount Hundor. Ilang oras na rin ang nakalipas pero wala parin kami. Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang magtaka sa paligid. Panay baling ko sa iba't ibang direksyon sa bintana.

I can't believe this. I feel like I forgot this feeling. I forgot how the roads looked like.

Malayo ang Mount Hundor sa kabihasnan, pinapalibutan pa ng ilan pang mga hindi kataasang mga burol kaya bihira lang itong masilayan o mapuntahan ng mga tao. I've heard it's story before and I have been interested on it since then.

Narinig ko ang kwento noong nag-aaral pa ako. Noong pwede pa akong makisalamuha sa mga tao. Noong mga panahong pwede pa akong maging bata. Ang kwento tungkol sa nagtatagong bundok na naaabot na ang langit, at wala man lang may nakaangat ang tingin roon.

Umalis kami kanina ng alas otso ng gabi. Wala nang masyadong sasakyan na sa daan at mabilis ang pagmamaneho ni nanay.

Pahirapan rin yung paglabas namin kanina ng bahay dahil may mga nakaabang na tao pala sa labas. Mga tao sa maliit na bayan naming may hawak-hawak na mga karatula na pinapalayas kami.

Madalas kong naririnig ang mga boses nila sa loob. Sumisigaw ng pagsuklam at pandidiri. Hindi ko lang inaasahang masasaktan pala ako kapag mismong nakita ko na sila. Ang galit sa at diri sa mga mukha nila ay halos nagpaluha pa sakin kanina.

Thankfully, I managed to hold back my tears. Hindi luha ang ilalabas ko sa kanila sa huling pagkakataong makikita ko sila.

"Nay, malapit na?"

Kanina pa ako tanong ng tanong kay nanay. Pitong na oras na kami sa daan. Nakatulog na ako ng ilang beses at wala parin kami. Mahabang paikot-ikoy na daan lang ang nakikita ko at nagtataasang mga puno.

Mag-uumaga na.

"Malapit na,"

Napasandal ako sa upuan. Sa wakas, nagsalita rin siya.

My mother's tired, I know. Pagod sa sitwasyon namin, pagod sa mga taong may galit samin, sa mundo at alam kong pagod narin siya sakin. But as I've said, she's stronger than she looks. She's the strongest woman for me.

Bumuntong hininga ako at tumingin saking mga kamay. Iniiwasan kong tumingin sa bintana. It's almost sunrise, and I hate sunrises. I hate it because I might fall in love with it the moment I would saw it.

I closed my eyes at tahimik na napamura sa sarili. Pinigilan ko ang sarili kong tumingin sa takot na matukso. At mahirap talagang tanggihan ang tukso. Lalo na kung tukso ito ng kagandahan ng kalikasan.

"You can look, anak." Malumay niyang boses na may halong kasiyahan.

I have her permission?

Napatingin ako sa kanya. Ngayon niya lang akong sinabihan na pwede akong tumingin. Noon, kahit anong iyak o sigaw ko ay hindi niya ako pinapayagan. Ngayon, hindi pa ako nagtatanong ay siya na mismo ang nagsabi.

Tinignan ko siya nang may pagaalinglangan.

"It's okay. Pinapangako kong pag-abot natin sa Hundor, hindi mo na kailangang magtago. You'll see sunrises everyday.." sabi niya at bahagyang ngumiti sa salamin ng sasakyan.

See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)Where stories live. Discover now